Chapter 15 (Discreet)

2.4K 56 0
                                    

       KAPANSIN-PANSIN ang biglaang pananahimik ni Lucas mula ng makapag-stop over sila sa palengke ng Nuevo Kala. Kanina pa niya napupuna ito. Matao yung lugar puno ng iba't ibang uri ng paninda, sikat kasi ang palengkeng ito sa samu't saring fresh sea foods na nagmula pa sa iba't ibang karatig bayan ng Hermanos at dahil malapit lang sa tirahan, malimit silang mamili rito.

       "Okay ka lang?" Pagtatakang tanong naman ni Kassandra habang naglalakad sila sa loob ng palengke. Hindi na nito matiis na walang imik ang kasama.

       "Yeah, I'm okay, ano bang bibilhin natin dito?" Pinilit nitong sumagot agad ngunit basado pa rin ang seryoso nitong mukha.

        Nakakapanibago tuloy ang biglaang pananahimik ng kasama. To her, Lucas is always the playful type. Hindi ka mabo-bored pagkasama mo s'ya. Hahanap at hahanap siya ng paraan upang makuha ang atensiyon mo.

      Tiningnan niya ang binatang magmamasid lang ng mga paninda nang mapansin niya ang biglaang pagnakaw ng atensiyon nito. Hindi tuloy malaman ni Kassandra kung matatawa ba siya sa nakikitang pagkamangha nito sa aleng nagkakaliskis ng isda. Lumaki nalang ang mga mata ni Lucas nang makita nito ang hawak na butcher knife ng tindera, sabay walang kagatul-gatol na tinapyas naman nuon ang ulo ng kawawang isda. Kinilabutan at nagulantang naman itong si Lucas nang makita yon. Nagmamadali tuloy itong lumapit sa kanya at agad na nag-ayang lumipat sa ibang lugar.

      "Doon tayo sa mga gulay, tara!" Pagmamadaling sabi nito. Hahawakan na sana ni Lucas ang braso niya ngunit naiilag ito ng dalaga.

       "Ha... S-saan naman? Kasi may bibilin pa tayo rito," napapangiting paliwanag pa ni Kassandra, mukhang kuhang kuha na niya ang kinatatakutan ng binata. "Sure ka, okay ka lang talaga? Bakit parang hindi ka yata mapakali d'yan?" Dagdag pa nito.

      Nasamid muna si Lucas bago nakasagot sa kanya. "Oo naman, ayos lang ako."

     Tikom ang bibig ng dalaga pero sa totoo lang tawang-tawa na s'ya sa kakatwang ikinikilos ng binata.

       "Ano pa ba kasi ang bibilin natin dito? Sana sa supermarket nalang tayo dumaan." Kunot nuo'ng sinabi nito.

       Naisipan tuloy nitong biruin ang binata kaya may dinampot si Kassandra at agad na binulatlat ito sa harapan niya.

       "Ito... Oh!"

       Napahiyaw naman si Lucas.

      "What the— A-ang laking pusit n'yan!"

       "Say hi to Lucas, mr. Squid!" Sabay inilalapit pa sa mukha ng binata ang dambuhalang pusit.

       "Teka, wooh! Ang laki n'yan. Huwag... Kassandra, h'wag... Sabi nang huwag eh."

        "E bakit ba kasi umaatras ka d'yan." Pang-aasar pa lalo ng dalaga sa binatang natataranta na sa pag-atras.   

       "Ibaba mo nga yan, mukhang buhay pa yata! Sh*t! Gumagalaw... Hoy gumagalaw! B-buhay nga! Ibaba mo yan, Kassandra, I swear... Hindi talaga ako nagbibiro!" Lumaki pa lalo ang hakbang nito paatras, sabay taas ng kamay upang tangihan ang inaalok ng dalaga .

        Hindi na tuloy mapigilan ni Kassandra ang pagtawa matapos makita ang takot na takot na reaksiyon ni Lucas.

        "Bitawan mo yan mamaya kainin ka pa niyan." Mataas na tonong utos nito.

        "Ito… Kakainin ako baka s'ya pa ang kainin ko." Kumawala tuloy sa kanya ang nakakatuwang bungisngis.

         Nang bitiwan na ng dalaga ang malaking pusit ay saka lang ito nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan s'ya.

Kassandra's Chant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon