SA LAKSA-LAKSANG tao sa Levato noong hapon yon, namumukod tangi talaga ang dating ni Nathaniel. She could easily recognize that confident stride and intimidating looks out of the crowd. Ganun naman ang binatang ito, sa hinatsa pa lang ng pagmumukha ay kapit na kapit na sa kanya ang salitang antipatiko.
Hindi na siya nagulat marahil talaga’y tanggap na niya ang pagkatao nito pero kakaiba yata ang napupuna niya ngayon dahil tila mas naging magaan na ang loob nito sa kanya. Dahil ba sinagip siya nito o dahil sa kakaibang kabog sa kanyang dibdib na dulot ng presensiya ng binata?
Nagtaka siya... Ano ba ang nakain nito at bigla siyang inaya?
"Kamusta ka?" Tanong niya sa binata.
Then everything seems so awkward. Papaano ba niya haharapin ito?
"I'm fine! So are you free to join me?"
"Oo naman 'no!" Singit naman ng matinis na boses ni Rosie at may mala bituwing kinang sa kanyang mga mata. Saang lupalop ba naman kasi natatagpuan ni Kassandra ang mga mala adonis na kaibigan nito.
Lumingon si Nathaniel ng marinig nito ang tila kitikiting si Rosie. Matapos kasing makita niya ang guwapong binata ay para itong inahing manok na sumugod upang tukain ang palay.
Napakagat labi nalang tuloy si Kassandra. "Si Rosie nga pala, ka-trabaho ko. Nagkita na kayo pero hindi ko pa pala naipapakilala siya sa'yo. Rosie si Nathaniel." Baling naman nito kay Rosie na titilam-tilam ang bibig sa labis na pagkauhaw nang makita ang tone muscles ng binata.
"May kasama ka pala baka nakakaistorbo lang ako. I was just planning to buy something then I saw you. Kaya, naisip kong ayain kang mag-coffee or something." Paliwanag nito sa kanila.
After seeing her, Nathaniel really wanted to spend the day with her. Parang gusto niyang siguruhin sa sarili kung tama ang nararamdaman niyang infatuation or simpleng paghanga sa dalaga.
After those few sleepless nights, he couldn't help to make sure to himself that whatever he is feeling right now, is some sort temporary. But after knowing that she's with her friend, backing out is the best thing to do.
Kassandra couldn't help not to think of him as well. Niligtas siya nito sa insidenteng yon ngunit ang kaso ay ni magpasalamat ay hindi na niya nagawa. Ano bang masama sa isang kaswal na pagkain sa labas na hinihiling ng binata? Sa loob-loob niya'y gusto rin niya ang ideyang iyon. Bumibilis tuloy ang lundag ng puso niya, para kasing nag-aaway ang dalawang konsensyang nagtatalo kung papayag o tatanggi sa inaalok nito. But Kassandra had always believed that he possessed something, more than a cover-model-perfect persona.
"No uhm… Wala naman kaming gagawin ngayon nagwi-window shopping lang. Uhm... Sige Nathaniel mukhang masarap nga'ng mag-coffee o kumain nalang. Mukhang maraming masasarap na restaurant dito." Tipid ngiting pagtango niya sa kanya.
Sinulyapan niya si Rosie at pasimpleng pinandilatan ito. Gusto niyang ipahiwatig na tumahimik muna sa sikretong tinatago nila. Madali namang nakuha ni Rosie ang mga pahiwatig ni Kassandra. Napag-usapan na naman nila ito ngunit ang tanong na lang ay kung kakayanin ba ni Rosie na itikom ang kanyang bibig dahil sa likas na kadaldalan.
Napangiti niya ang binata, banaag ang kasiyahan nito sa pagpayag ni Kassandra. Agad namang umangkla si Rosie at sumandal sa makikisig nitong braso.
"Hay halika na!" Inamoy-amoy nito ang braso ni Nathaniel at parang tumitirik nalang ang mga mata nito sa kakasinghot sa sweet manly-scent ng binata.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomanceNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...