"OH MY GULAY! Ineng ang shungak-shungak mo! Bakit hinayaan mong isahan ka ng lalakeng 'yon." Salubong na kilay at sermon ang inabot ni Kassandra kay Rosie.
"Hindi ko alam, Rosie kung bakit nagkaganun eh. Iba kasi siya tumingin parang---"
"Na parang ikaw na ang pinaka magandang babae sa mundo! Naku... Naku, Ineng ganyan talaga ang mga lalake iyan, e puro kasinungalingan at pambobola ang inaatupag ng mga yan."
"Binigyan niya ako ng calling card. Sabi niya tawagan ko raw siya at pagnagawa ko na raw iyong favor na hinihiling niya. Makukuha ko na ang kuwintas ko."
Napahimas nuo ng di oras si Rosie. "Kassandra naman, ano ka ba? Ang akala ko hindi ka madaling mauto. Aba'y kung kasama mo lang ako baka nabigwasan ko pa ng isang malutong na uppercut ang pa-epal na 'yon."
Sabunot ang ipinarusa niya sa sarili. Mukhang madali siyang nadala sa sitwasyon kanina. Bumaling muli ang kanyang tingin sa nabubugnot na kasama.
"Tingin mo, tatawagan ko na ba?"
"E, ano pa nga ba? Yun nalang ang paraan natin para mabawi mo ulit ang necklace mo. Teka, baka naman kung ano na ang hilingin n'yan sayo?" Namaywang ito tapos humarap sa kanya.
Napayuko siya upang sulyapan ang kanyang katawan.
"H-hindi... A-ayoko!" Niyakap niya ang kanyang sarili at umiling. "Hindi ako ganuon!"
Napasinghap ng hangin si Rosie.
"Kaya yan ang sinasabi ko s'yo dapat hindi ka nagpapaloko sa kanila, ikaw rin ang mawawalan sige ka." Padabog itong naglakad sa kuwarto.
Pinagmasdan nalang niya si Rosie, hindi kaya bitter lang ito dahil sa panloloko ni Bernard kaya naging sukdulan bigla ang galit nito sa kalalakihan. Tumingin siya ulit sa hawak niyang calling card. Naguguluhan- kung tatawagan ba n'ya.
-----
''HEY! Naghintay ba ng matagal? K-Kassandra right?" Si Lucas, binati siya agad nito nang magkita sila sa lobby ng La Vergara Towers; isa sa pinaka-highclass condominium sa Hermanos.
"Ah, hindi kararating ko lang."
Inayos niya ang sarili. Pakiramdam n'ya kasi'y nasa ibang mundo s'ya lalo na't mayayamang tenants ang nakakasalubong niya roon.
Sandaling nag-text si Lucas sabay senyas sa kanya na maghintay muna. Matapos ng ilang sandali'y kinausap na siya nito.
"Good then," tuwang sagot nito sa kanya. "So--- shall we?"
Tumaas agad ang kilay niya nang marinig ang kaswal nitong pakikipag-usap sa kanya. Masama na ang naging kutob niya, ito na marahil ang sinasabi sa kanya ni Rosie. Mukhang may balak itong masama sa kanya. Kung hindi lang dahil gusto niyang maibalik ang kanyang kuwintas ay hindi siya papayag na tawagan ang lalaking ito.
"Saan ba tayo pupunta? Ang akala ko ba may ipapagawa kang pabor sa akin." Pa-inosente niyang tanong, balak niyang alamin ang tunay nitong motibo.
"Meron nga, kaya lang nagugutom na 'ko. Makakabuti siguro kung kakain muna tayo. May alam akong restaurant sa itaas, ano tara?" Humakbang ito papalapit upang tingnan ang kanyang mukha.
Inisip niya agad ang gagastusin niya kung sakali man na pumayag siyang kumain sa resto. Inilapit niya sa katawan ang dalang shoulder bag at kinapa sa loob ang binaong egg sandwich. Nakakahiya mang aminin na iyon lang ang nakayanan niya. Hindi na siya magbabalak pang kumain sa resto dahil alam niyang wala naman siyang ibabayad. Kumipot tuloy ang kanyang nguso at sumenyas ng pagtanggi kay Lucas. Ngumiti siya at sinagot ito.
BINABASA MO ANG
Kassandra's Chant (COMPLETED)
RomanceNAGING mahirap ang unang pakikisalamuha ni Kassandra sa siyudad ng Hermanos ngunit ni minsan ma'y hindi siya pinanghinaan ng loob at sa pagtahak niya sa panibagong buhay ay makakadaupang palad niya ang ilang taong magpapabago sa kanyang kapalaran. I...