Chapter 5

93 9 0
                                    

Mimir&Gyno's moment.

Credit: sa may-ari ng picture.

MIMIR's POV



Anong oras na at hindi pa ako nakaka-uwi. Malamang ay yari nanaman ako bukas nito kay ate nami. Napatingin ako sa relo ko 12am na pala. Huminto ang kotse niya kaya napatingin ako kung nasa'n kami.
Nasa harap kami ngayon ng mapupuno? Bumaba siya at bumaba na rin ako.

Naglakad siya papasok sa mga puno kaya sinundan ko lang siya kahit na hindi ko alam kung saan 'to.
Nakasunod lang ako sakanya hanggang sa pinaka-dulo ng puno ay may nakatagong bahay? Bahay na gawa sa puno ng kahoy.

"Kaninong bahay 'to?" panimulang tanong ko nang makahinto kami at naka-tingin sa harap ng bahay.

"Sakin. Tinayo ko 'yang bahay na 'yan ng mag-isa. Secret house ko 'to." eto? Etong bahay na 'to na hindi naman kalakihan ay tinayo niya ito ng mag isa?

"Secret house? Eh bat dinala mo ako dito?"

"Anong oras na kasi baka pag umuwi ka pa sainyo ay maka-bulabog ka pa." baka mapatay ako ni ate nami pag hindi ako umuwi.

"Grabe naman 'to! Maka-bulabog talaga?" -_-

"Tara na pasok baka inaantok ka na." oo inaantok na rin ako kaso baka nag-aalala na sila mama.

"Pero baka kasi nag-aalala na sila mama at baka mapagalitan nanaman ako ni ate nami."

"Wag kang mag-alala alam niyang magkasama tayo tsaka napag-paalam na rin kita." ha? paano?

"Alam ni ateng lagi tayong magkasama pero 'yong nangyari kanina hindi niya alam 'yon at tsaka paano mo ako pinaalam?"

"Sabado bukas at ang sabi ko mag-i-isleep over tayo samin."

"Aba! Gara mo din eh no? Ano ako excited makapag-sleep over kaya hindi na nagawang umuwi ng bahay?" natawa nalang siya dahil sa sinabi ko.

"Tara na sa loob mahamog na masyado." nauna siyang maglakad pero bago pa kami makapasok ay biglang kumurot ang sugat ko. Shit! May sugat pala ako at dumudugo pa rin. Baka mawalan ako ng dugo nito. Napahawak ako sa braso ko ng kumirot ulit ito at sa pagkakataong 'yon ay napa-aray na ako.

"Oh bakit?" nang makita niyang nakahawak ako sa braso ko ay agad niya akong nilapitan at tinignan kung ano 'yon.

"Shit! May sugat ka! Kanina pa 'yan? Bat hindi ko napansin." halong inis at tarantang pagkakasabi niya.

Agad namang ipinasok niya ako sa loob ng bahay secret bahay niya at ganon nalang ang pagkamangha ko nang makita ko ang loob nito. Kulay dilaw ang ilaw at pagpasok makikita mo agad ang kusina na nasa kanan at sa kaliwa ay banyo sa malayo makikita mo ang sala at nang pina-upo niya ako sa sofa ay tsaka ko lang nalibot ito ng buo. Sa itaas ay may terrace 'yon naman ang bedroom at sa gilid pala ng banyo kanina ay pader na kulay pula ay hagdan pala 'yon. Sa pader na 'yon ay meron pang ano bang tawag do'n? Basta nilalagyan ng kahoy para umapoy. Sa kabuuan ay sobrang ganda kahit maliit lang ito at wooden din ang dingding nito.

"Masyado ka namang mangha. Alam kong maganda ito pero hindi mo naman kailangang ngumanga ng ganyan baka pasukan ng langaw." agad kong sinara ang bibig ko nang mapagtantong naka awang ito. Ganon na ba ako kamangha sa bahay niya?

"A-ang ganda lang kasi ng bahay mo. Sarap sigurong tumira dito." *hikab*

"Masarap talaga kasing sarap ko. Ohsiya gamutin na nating 'yang sugat mo. Masyado nang madugo eh." at tumango nalang ako at bahala na siyang maggamot.

Nang matapos ay pinahiram niya ako ng t-shirt na masusuot. Nagbanlaw na rin ako dahil sa dugo ko. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko siyang naghihintay sa labas.

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon