MIMIR's POV
Isang buwan, halos isang buwan na ang lumipas at hindi na natigil ang mga nangyayari sa paaralan namin.
Lahat ng estudyante, magulang at mga guro ay takot na takot na. Mga guro naming nagtataka kung saan ba talaga nanggagaling ang mga halimaw na 'yon. Hanggang ngayon halimaw pa rin ang maitatawag ko sa kanila dahil tao sila pero para silang zombie pero hindi eh, kakaiba sila. Mukha silang zombie, gustong gusto nilang kumain ng tao at eto lang ang napansin ko. Marunong silang lumaban. Kaya nung nakaraan ay nahirapan sila gyno na lumaban at ako? Wala. Nga-nga lang natatakot, nagtatago sa likod nila gyno. Habang sila lumalaban at pilit na sinasagip ang ilang estudyante. Grabe para silang hero namin. Pero laging sinasabi nila gyno na wag daw sasabihin na sila ang tumulong para makaligtas ang nasa panganib na estudyante. Malay ko, ewan ko kung bakit kailangang hindi nila malaman. Eh mas mabuti nga 'yong alam ng iba pero ayaw talaga nila gyno. Gusto nilang itago ang identity nila dahil ayaw daw nilang sumikat. Well, tama naman sila eh. Once na malaman ng lahat na sila ang tumulong sa mga ko-estudyanteng 'yon ay magiging usap-usapan na sila.———Flashback———
Pauwi na kami nila gyno, mark at askieyah. Nasa ikaapat na palapag kami, naglalakad sa hall way. Panay ang kwentuhan namin kahit apat nalang kaming natitira dito sa ikaapat na palapag ng building na ito. Madilim ang bawat silid na madadaanan namin at tanging ilaw nalang sa daan ang meron kami at tanging ingay ng boses lang namin ang maririnig. Habang naglalakad at nagke-kwentuhan kami ay may narinig kaming tili, sigaw mula sa baba. Rinig na rinig namin 'yon mula dito. At mula sa pagkakasigaw ay humihingi 'yon ng tulong. Apat kaming napahinto, lahat kami napahinto dahil sa narinig namin at nagkatinginan sa isa't isa.
"Be ready guys." saad ni gyno.
"Eto nanaman tayo." tamad na sabi ni mark.
"Hanggang kailan ba 'to?" tanong ni askieyah.
"Hindi natin masasagot 'yang katanungan mo hangga't hindi natin alam kung saan sila nanggagaling." sagot ni gyno.
Pare-parehas silang tatlo na kumuha ng baril, armas sa kanilang bag at hanggang ngayon din hindi ko alam kung saan nila nakukuha 'yang mga baril nila. Kung paano, saan nila naitatago ang baril nila mula sa bag nila. Matapos kumuha ng baril ay may iniabot sakin si gyno. Tinignan ko ito at isa itong baril.
"Para sa'n 'yan?" tingnan ko lang ito.
"Self-defense?" tanong ni gyno.
"Self-defense eh ni hindi nga ako marunong humawak o gumamit niyan." sagot ko.
"Kung sakali lang naman. Basta hawakan mo lang 'yan tapos kapag may kalaban na lumapit sayo ay kalabitin mo lang 'to at itapat mo sa ulo o puso para patay agad." turo niya sa parteng may kalabitan para pumutok ang baril.
"O-okay." wala na akong ibang masabi kundi okay nalang. Kinuha ko sakanya ang baril at nang mahawakan ko 'to ay muntikan ko nalang malaglag.
BINABASA MO ANG
Highschool of the Dead
Misteri / ThrillerRank #278 in Mystery/Thriller | 03/12/18 Rank #824 in Action | 07/01/18 Highschool of the Dead: "Where death is near that you must fight to SURVIVE or be left for DEAD."