Chapter 19

72 3 0
                                    

Chapter 19: Celebration.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil kay ate nami. Alas-nuwebe palang ng umaga, inaantok pa ako.
Kaya naman ay hindi pa ako bumangon at bumalik sa tulog ulit.

"Mimir gumising ka na!" niyuyugyog pa ko. *frown*

"Ate alas-kwatro na umaga tayo nakauwi kanina. Ilang oras pa lang ang naitutulog ko kaya patulugin mo muna ako!" inis na sabi ko at tinalikuran siya't natulog ulit. Nagtakip pa ko ng unan sa mukha ko.

"Mimir magmo-mall pa tayo! Kailangan natin maghanda mamaya para sa selebrasyon!"

'selebrasyon?'

Napadilat ako at nanlaki ang mata ko. Bigla akong napa-upo.

"Oo nga pala! pero anong oras ba 'yon?"

"Alas-kwatro daw ng hapon."

"Asus! Alas-kwatro pa pala! Matutulog muna ako!" sabi ko sabay higa ulit.

"Ah! Bahala ka jan! Basta ako magmo-mall ako para sa susuotin ko mamaya."

"Alam mo ate, andami mo lang arte sa katawan eh. Siya sige umalis ka basta ako matutulog muna ako."

"Bahala ka na nga dyan." Huling sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.

Ilang oras na ang nakalipas. Pwede na siguro to. Agad akong bumangon at iniligpit ang higaan ko. 'Teka anong oras na ba?' Napatingin ako sa wallclock.

3:05pm

Nanlaki ang mata ko nang makita kung anong oras na kaya dali dali kong kinuha ang twalya ko at mabilisang naligo. 'Di ko pa alam kung anong susuotin ko.'

3:25pm

Nang matapos ay tinignan ko ulit ang oras. 25minutes na ligo? Pwede na.
Dumiretcho ako sa kabinet ko. Tumambay pa ko dito na parang di nagmamadali. Sinuri ko ito kung anong susuotin ko. 'Hmm?'
Nang makapili ako agad ko tong kinuha sa hangeran. Agad akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Tinali ko ang kalahati kong buhok at agad na nagsapatos, kulay pink din para pares ng suot ko.

 Tinali ko ang kalahati kong buhok at agad na nagsapatos, kulay pink din para pares ng suot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3:45pm

Sakto ng matapos ako. Agad akong bumaba. Naabutan ko si ate nami na nag-aayos sa salaminan. Naka-suot ito ng long sleeve.

 Naka-suot ito ng long sleeve

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon