Chapter 20 part 1

72 3 0
                                    

Destin & Nami

-NAMI's POV-

Mimir gumising ka na!" yugyog ko kay mimir.

"Ate alas-kwatro na umaga tayo nakauwi kanina. Ilang oras pa lang ang naitutulog ko kaya patulugin mo muna ako!" inis na sabi niya at tinalikuran ako't natulog ulit.

"Mimir magmo-mall pa tayo! Kailangan natin maghanda mamaya para sa selebrasyon!"

"Oo nga pala! pero anong oras ba 'yon?" agad siyang napaupo sa gulat.

"Alas-kwatro daw ng hapon."

"Asus! Alas-kwatro pa pala! Matutulog muna ako!" sabi niya, sabay higa ulit.

"Ah! Bahala ka jan! Basta ako magmo-mall ako para sa susuotin ko mamaya."

"Alam mo ate, andami mo lang arte sa katawan eh. Siya sige umalis ka basta ako matutulog muna ako."

"Bahala ka na nga dyan." Huling sabi ko bago lumabas ng kwarto niya.

Nako talagang batang 'yon! Basta sa tulugan laging aktib. Palibhasa puyat kaya ayaw pang kumilos.
Bumalik nalang ako sa kwarto ko't nahiga.

"Maaga pa naman, bibilisan ko nalang ang pamimili mamaya."

'hayyysh' hikab ko. "Inaantok ako ah? Makatulog na nga muna."

Hours later...

Nag-unat unat ako ng magising ako. 'Anong oras na kaya?' Napatingin naman ako sa cellphone ko sumunod. Nanlaki ang mata ko at halos magising ang buong diwa ko. 'Alas-tres na! Hindi na ko makakapag-mall nito! Aish. Tulog pa nami, tulog pa.'

Pagkabangon ay agad agad akong nagpunta ng banyo para maligo. "Gising na kaya si mimir? Ah bahalasiya."

"Naunahan pa kita." sabi ni mimir sa kalagitnaan ng pag-aayos ko.

Tinapunan ko ito ng tingin. "Nakatulog kasi ako, kaya 'di na ko natuloy sa mall."

"Ayan kasi." pang-aasar niya.

"Oo na!" asar-talong sabi ko at nagpatuloy sa pag-aayos.

"Tayo ba ang pupunta doon? O may susundo satin?" tanong niya.

"May susundo satin, maya maya nandyan na 'yon."

May nakalimutan pa ito kaya naman bumalik ulit sa taas.

Beep! Beep!

Nandyan na ang sundsundo namin.

"Mimir, tara na nandyan na ang susundo satin."

"Eto na."

Sabay kaming lumabas ni mimir. Sumalubong samin ang dalawang nag-gagwapuhang mga lalaki. Destin my loves at si Gyno'. Naka-long sleeve ang mga ito na mas lalong nagpagwapo sakanila.

Nang makalapit ay bumungad sakin ang matamis na ngiti ni destin.

"Beautiful ladies." sabi destin ng makalapit kami.

"Syempre magkapatid eh. Flamehia ata 'to." sagot ko.

"You first my lady." sabi destin at pinasakay na ako.

"Thankyou." tatawa-tawang sabi ko. Agad na umikot pakabila si destin nang makapasok ako.
Nakasakay ako sa passenger seat, nasa driver seat ay si destin at nasa likod ay si mimir at gyno.

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon