MIMIR's POV
Pagkagising ko ay agad akong tumayo para hindi ako tamarin at patuloy na humilata. Dahil baka pag-ginawa ko 'yon at maka-tulog ulit ako't naabutan ni Ate Nami ay paniguradong mayayari ako at baka bungangaan nanaman ako nun. Nang makatayo ako ay nag-unat muna ako at iniligpit ang pinagtulugan ko bago ako maligo.
Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis at hindi na inabala ang sarili ko na magsuklay pero pinunasan ko ito. Pagkababa ko ay naabutan ko ulit si Ate nami na nagbabasa ng logbook? At naghahain naman si mama.
"Morning." bored na sabi ko.
"Oh anyari sayo?" tanong ni ate nami ng itinabi niya ang logbook na hawak hawak niya kanina.
"Wala naman, siguro napuyat lang ako kakaisip sa nangyari kagabi sa school." *higab*
"Ano ba yan mimir mukha kang bruha." sabi ni mama at kumuha ng suklay at sinuklayan ako ng matapos siya ay umupo na rin siya at sabay sabay kaming kumain ng agahan.
"Bat ano bang nangyari kagabi at ginabi ka ng uwi?" ngumunguyang sabi ni ate nami. paktay na! anong sasabihin ko nito? sasabihin ko bang may sumusunod sakin kagabi at balak akong patayin pero may tumulong saakin, gano'n? pero paniguradong magugulat sila at paiimbistigahan yo'n. Pero ayoko na mag-abala pa sila ng dahil lang do'n! Teka, sinabi ko bang lang? ang tanga mo mimir buhay mo ang nakasalalay dun tas sasabihin mo 'lang' lang yun? hays, katangahan.
"Hoy mimir! Tinatanong kita! Bat 'di ka na naka-sagot?" hala paktay na talaga. Ano ba sasabihin ko? magdadahilan na nga lang ako. 'Ugh! Bahala na'
"Ah sorry. Kasi naman may pinagawa sakin yung guro ko kahapon kaya ginabi na ako ng uwi." pagdadahilan ko. Sana lumusot, kaso parang hindi nakalusot dahil pinaningkitan ako ng mata ni ate nami.
"Aba eh anak unang araw mo palang kahapon eh may pinagagawa na agad saiyo? 'Di ba pag-unang araw palang ng klase ay puro pakilala lang?" ah? eh? ih? oh? uh? napadako ang tingin ko kay ate nami na ngayon ay mas naningkit ang mga matang naka-tingin saakin. Kaya umiwas nalang ako ng tingin at binaling ulit kay mama ang paningin ko.
"Ah kasi ma, hindi naman lahat ganun ang ginagawa sa unang pasok ng klase. Kasi yung iba lecture agad at may ginagawa agad katulad kami/ako kahapon kaya ginabi ako ng uwi." lusot na lusot na.
"Ah ganun ba anak? Osige sa susunod magsabi ka saamin kung gagabihin ka ng uwi ah. Para hindi kami nag-aalala." nangupo nalang ako at tinapos na ang pagkain ko.
"Ma, ate alis na po ako." pagpapaalam ko.
"Sige anak, ingat." tinanguan ko nalang si mama at binaling ang paningin ko kay ate nami na naniningkit nanaman ang mga mata niyang nakatitig saakin.
"Hoy mimir, sa susunod mag-uusap tayo. Sige na't umalis ka na at baka mahuli ka sa klase AT kung gagabihin ka ay magsabi. Understood!"
"Oo na ate. Sige aalis na ako. Ma!" tumango nalang saakin si mama na busy sa pagtatahi ng damit ni ate nami at si ate talaga dinaig pa si mama kung makapagsalita.
Nang makasakay ako ng jeep ay nakasabay ko nanaman yung lalaki kahapon. What a pretty coincidence? Sinasadya ba ng panahon to?
"Mamang driver bayad ho." abot ko sa bayad ko. Salamat naman at malapit ako kay mamang driver.
Habang nasa byahe ako ay inilabas ko ang earphone at cellphone ko at tsaka ako nag-soundtrip.
Now Playing: Attention by Charlie Puth
Whoa oh oh hm
You've been runnin' 'round, runnin' 'round, runnin' 'round throwin' that dirt all on my name
'Cause you knew that I, knew that I, knew that I'd call you up
You've been going 'round, going 'round, going 'round every party in LA
'Cause you knew that I, knew that I, knew that I'd be at one, oh
BINABASA MO ANG
Highschool of the Dead
غموض / إثارةRank #278 in Mystery/Thriller | 03/12/18 Rank #824 in Action | 07/01/18 Highschool of the Dead: "Where death is near that you must fight to SURVIVE or be left for DEAD."