Chapter 20 part 2

87 1 0
                                    

Seth & Kean

KEAN's POV—

"Ugh!" 'yan ang unang lumabas sa bibig ko paggising ko. Alas-dyis palang ng umaga. Limang oras lang ang naitulog ko dahil alas singko na ako nakauwi.

"Ahhhhh!" sinabunutan ko ang sarili ko at gumulong gulong sa kama. Dinaig ko pa may hangover. Bitin pa tulog ko pero kailangan ko nang kumilos. Magmo-mall pa ako para bumili ng singsing. Dahil mamaya na ako magpopropose kay seth.

Since birth siya na ang kasama ko. Mula pagkabata namin hanggang sa paglaki ay siya na ang nakakasama ko. Para na nga kaming magkapatid. Andami ding nagsasabi samin na bagay kami, bagay talaga kami. Sa lumipas na taon ay nahuhulog na ang loob ko kay seth. Kaya naman college kami nung sinimulan ko siyang ligawan.

Second year college ng sagutin niya ako at ngayon ay 6 years na kami at ngayong araw na 'to ay balak kong magpropose sakanya. Alam kong mabibigla 'yon sa gagawin ko pero surprise nga eh kaya nakakabigla talaga.

Nang matapos sa lahat ay huli kong ginawa ay ang pag-aayos ng buhok ko. Lumalabas na ako ng kwarto at naupo sa sofa. Tatawagan ko si seth.

Dialing sethy my loves...

"[Hello?]" Mukhang kakagising lang nito ayon sa boses niya.

"Hi love, goodmorning!" masigla kong bati.

"[Mor-ning.]" inaantok na sagot nito.

"Love, what do you want? Gold or Silver?" tanong ko.

"[Hm? I want silver. Why?]"

"Nothing. Uhm with diamond or none?"

"[Uhh with.]"

"Just a simple ring?" shit! nadulas ako.

"[Huh? What?]"

"A-ah nothing, nothing." buti nalang wala pa siya sa wisyo dahil kakagising niya lang.

"[Okay. I'm going back to sleep. Goodnight!]"

Call ended.

"Ahhhhhh! Buti nalang talaga wala pa sa wisyo 'yon kean at 'di niya narinig masyado. At tsaka goodnight? Nagde-day dream pa ata ang isang 'yon." umiling nalang ako.

"Morning." bigla sabat ni mark out of nowhere. Nakapantulog pa ito at gulo gulo ang buhok habang nagkukusot ng mata. Umupo ito sa tabi ko at yumakap ng unan.

"Tanghali na mark." sabi ko.

"Uhm." sagot nito, mukhang matutulog pa.

"Ah I'm going. Magmo-mall pa ako, may bibilhin lang ako."

"Can you buy me a mogu-mogu? The green one." nakapikit na sabi nito.

"Okay and ah! Don't forget the party later. Baka mapasarap 'yang tulog mo." tumayo na ako at naglakad palabas at sumakay sa kotse ko.

'Ah di bale nalang, uuwi pa naman ako, kapag naabutan ko pa siyang tulog gigisingin ko nalang.'

Pagkarating ko sa mall, diretcho agad ako sa botique kung nasa nakadisplay ang mga singsing.

'Ano kayang bagay?hmm.'

Tumitingin tingin muna ako hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko.

Tumitingin tingin muna ako hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon