MIMIR's POV
Kinabukasan nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Pagkatingin ko dito ay may missed call galing kay gyno, mark at askieyah at puro text din. Napatingin ako sa oras at nanlaki ang mata ko nang mapagtantong tanghali na pala!
Kaya agad akong nagmadaling kumilos. Hindi na rin ako nakakain dahil baka malate ako. Napasarap ata ang tulog ko kagabi, hays.Habang nagbibihis ay tumunog ulit ang cellphone ko.
Gyno Aebel H's Calling...
"He-hello?" ni-loudspeak ko nalang ito para tuloy pa rin ang pagkilos ko.
[["Gising ka na ba? Kanina ka pa namin tinatawagan ah? Bat ngayon ka lang sumagot?"]]
"Ah-eh na-late ako ng gising eh. Sorry." sabi ko habang nagsusuklay na.
[["Yah! Kanina pa kami dito sa labas noh! Bilisan mo na. Baka malate tayo."]]
"Oo na. Eto na. Bye." pagka-hung up ko ay dumiretcho na ako pababa, palabas. At nandoon nga silang tatlo na mukhang inip na inip na.
"Mabuti't lumabas ka na." biglang sabi ni Askieyah.
"Oo nga! Ang tagal mo! Inip na inip na kami dito!" saad ni gyno.
"Aba! Kasalanan ko bang malate ako ng gising? Tsaka sino bang may sabing pumunta kayo dito at hintayin ako?" sagot ko sabay pamewang sa harap nila.
"May usapan tayo kagabi 'di ba?" tamad na sagot niya.
"Me-meron?" napakurap-kurap nalang ako.
"Oo. Kagabi bago kami umuwi. Napag-usap-usapan natin 'yon." sagot ni mark.
"Ta-talaga?" hindi makapaniwalang sagot ko.
"Oo nga! Ang kulit!" sagot ni askieyah.
"Napasarap nga tulog mo kaya 'di mo naalala na may usapan tayo." tamad na sagot ni mark.
"Tara na nga. May 30mins pa tayo bago malate." saad ni askieyah.
Hindi na ako sumagot at pumasok na sa loob ng kotse ni gyno. Kaming dalawa ni askieyah ang nasa likod at si gyno ang nagmamaneho na ang katabi naman ay si mark.
Pagkarating sa parking lot ay sabay sabay kaming lumabas at naglakad papuntang klase. Pagkaakyat namin sa ikalawang palapag nang papaakyat na kami sa ikatlong palapag ay napahinto ako. Naka-hakbang na silang tatlo ng namalayang 'di pa rin ako humahakbang at nakatayo lang. Bigla akong kinabahan kaya napahinto ako ng hindi ko alam ang dahilan kung bakit.
"Oh bakit mimir?" tanong ni askieyah sakin.
Tinignan ko si gyno at mark at nag-iwas din ng tingin.
"Wa-wala." sabay hakbang ko't pinangunahan sila. Pero sana 'di nalang ako nanguna. Dahil pagkaakyat ko sa kasunod na hagdan ay mula sa kinatatayuan ko ay napahinto nanaman ako na sana hindi ko nalang nakita.
"Ba-bakit?" tanong ni mark.
Hindi ako sumagot at hindi ko rin sila nilingon kundi sila na mismo ang tumingin kung saan ako nakatingin ngayon.
"Shi-shit!" nabiglang sagot ni askieyah.
"What THE?" saad ni mark.
"F*ck." sagot ni gyno. Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sakanya.
"What?" takang tanong niya.
"Talagang 'yan ang nasabi mo? Bad 'yan alam mo ba 'yon?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Highschool of the Dead
Mystery / ThrillerRank #278 in Mystery/Thriller | 03/12/18 Rank #824 in Action | 07/01/18 Highschool of the Dead: "Where death is near that you must fight to SURVIVE or be left for DEAD."