Chapter 10

77 7 0
                                    


MIMIR's POV

Kinaumagahan ay maaga akong nagising mga alas-singko ng umaga para umuwi, para pagkadating ko sa bahay ay mga tulog pa sila't hindi malaman na umalis ako kagabi.  Pagkagising ko ay agad na ako tumayo at iniligpit ang kumot, unan na ginamit ko at napatingin ako kay Gyno. Ang himbing ng tulog niya. Kaya naman hindi ko na ito inabala pa. Kumuha nalang ako ng papel sa study table niya at nagsulat do'n. Pero nag-isip muna ako ng isusulat ko do'n.

'Hmm? Ano kayang pwede? Isip. Isip. Isip. Ah alam ko na. Ipagluluto ko muna siya ng makakain niya bago ako umalis. Tama, tama.'

From: Mimir Andro Flamehia

Goodmorning Gyno! Maaga pala akong nagising para umuwi pero bago ako umuwi ay pinagluto muna kita ng almusal mo. Bumangon ka na agad baka tanghaliin ka ng gising, sobra kasing himbing ng tulog mo. Haha!

Bye!

Mimir at your service ^_^!


Inilagay ko lang ito sa study table niya at pinatungan ng cellphone niya para makita niya agad pagkatapos non ay bumaba na ako para magluto pero dumiretcho muna ako sa banyo para magmumog at maghilamos. Pagkatapos ko ay dumiretcho na ako sa refrigerator niya.

'Hotdog, bread, egg, tocino, bacon, water, at ano 'to? Oh! Zesto? Apple? Mahilig pala siya dito? Andami eh, halos napuno yung freezer eh.  'Di bali na nga pati 'yon pinakeke-elaman ko pa.'

Kumuha nalang ako ng hotdog at itlog at sinimulang hiwain ang hotdog pa-square at mi-nix ko ito sa itlog tsaka ko ito niluto. At nag-sangag naman ako pagkatapos. Pagkatapos ay inihain ko ito at tinakpan nalang tsaka ako umalis.

Pagka-uwi ko ay katahimikan ang bumungad sakin. 5-40am palang kasi, mamaya pang alas-otso magigising ang mga 'yon. *hikab* 'Inaantok pa akokaya naman umakyat na ako pero nagising ang diwa ko ng makasalubong ko si ate nami sa hagdan. 'Paktay na.'

"Saan ka galing? Wala ka sa kwarto mo kanina nung bumaba ako dito. Saan ka nagpunta?" tanong ni ate.

"Ahm. A-a-ahm." 'sh*t wala akong masabi!'

"Oh! Alam ko na. 'Di mo na kailangang sabihin pa. Tumakas ka nanaman kagabi at doon ka natulog kila gyno. Right?"

"Atekasialammohindidawmakatulogsigynokagabikayapinapuntaniyaako." Walang hintuang sinabi ko.

"Ano? Ano? Wag ka ngang nerbyosin diyan! Hindi kita maintindihan. Kalma, okay?" dahil sa sinabi ni ate ay nakahinga ako ng maluwag. 'Gad! Akala ko bubungangaan ako ni ate.'

"Sabi ko, hindi daw kasi makatulog si gyno kagabi kaya pinapunta niya ako sakanila."

"Ano ka niya sleeping pills? Kapag hindi siya makatulog at kapag wala ka hindi siya makakatulog?" 'Teka parang 'yon yung sinabi ko kay gyno kagabi ah?'

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon