GYNO's POV
Hinatid ko si mimir pagkatapos ng kulitan namin dahil masyado nang gabi. Pagkauwi ko ay agad akong nahiga sa malapad kong kama at napa-isip.
'Paano namin magagawa 'yon? Ang planong sinabi sa amin ni kuya destin?'
'Well, it's not hard. We can do it para matapos na 'to.'Kakaisip ay 'di ko na namalayan na nakatulog pala ako. Namalayan ko nalang ito pagkagising ko kinabukasan ay may naaamoy akong masarap na amoy galing sa kusina.
Agad agad akong tumayo para tingnan 'yon pero inayos ko muna ang mukha ko. Nasa hagdan palang ako pababa ay kitang kita ko na kung sino ang nagluluto. 'It's her, It's Mimir.' napangiti naman ako ng simple.
Hindi niya namamalayan na nakalapit na ako sakanya kaya ako na gumawa ng paraan para ma-interrupt siya.
"Goodmorning!" sabi ko nang may malaking ngiti sa labi.
Biglang siya napatingin sa akin habang nagluluto. Ang mga ngiti sa mukha niya ay parang isang oxygen, kapag naubos ang mga ngiti na 'yon ay feeling ko ikakamatay ko. 'Cheez! So chessy!'
"Goodmorning!" sabi niya nang may malaking ngiti din sa labi.
Lumapit ako sa kanya para tingnan ang niluluto niya.
"Anong niluluto mo?" tanong ko."Ah eto? Minudo." 'minudo? Anong pagkain 'yon?'
"Minudo? Anong klaseng pagkain 'yon? Tsaka kailan ka pa natutong magluto?"
"Ulam kasi ito. Tsaka ngayon lang. See that cook book?" turo niya sa lamesa na nasa likod niya. 'Oo nga meron nga.'
"Doon ko nalaman kung paano lutuin 'to. Osiya maupo ka na do'n. Matatapos na 'to. Sabay na tayong mag-breakfast."Ginawa ko kung anong sinabi niya. Umupo ako paharap sakanya at pinapanood siyang kumilos. Mula sa pagluluto, pagkuha ng plato at pagsandok ng kanin hanggang sa matapos siya pinapanood ko lang siya hanggang sa maihain na lahat.
"Let's eat." sabi niya nang may malaking ngiti sa labi. Hindi talaga nawawala 'yon. Ngumiti ako.
"Okay!" sabi ko nang may pagkasigla at tinikman ang luto niya with matching kanin. At ang... ang....
"Ang sarap!!" Nakita ko naman siyang natawa."Well it's an achievement for me dahil first time kong magluto ng ganyan at first time ko rin naperfect siya. Unang luto, lutong masarap agad." at tumawa naman siya at pinagpatuloy lang ang pagkain namin.
Habang nakaupo siya ay nakatalikod siya sa akin. At ako naman ay nakaharap sa lababo at naghuhugas ng pinagkainan namin ay biglang nagsalita si mimir.
"Gyno? Sa tingin mo kailan matatapos 'to?" may pagkamalungkot na sabi niya.
"Ang alin?" inosenteng sabi ko. Na kunyari walang alam pero alam ko naman na talaga 'yong sasabihin niya.
"Itong nangyayari sa school. Parang hindi mo naman alam." tinapos ko muna yung hugasan at nagpunas ako dahil basa ang aking kamay tsaka ako tumabi sa gilid niya at umupo din.
"Hindi natin alam kaya dapat mag-doble ingat ka. Baka kasi mamaya wala ako sa tabi mo para protektahan ka pero tinuruan na kita kung paano gumamit ng baril pang self-defense mo. Kaya siguro naman ay kahit papaano ay kaya mo nang iligtas ang sarili mo." humarap siya sakin.
"Pero gyno paano kapag 'di ko nagawang protektahan yung sarili ko? Paano kung mauna yung takot ko? Anong gagawin ko?" mahinahong sabi niya na may pagkakaba.
"Just believe in yourself mimir. Kaya mo 'yan. Isipin mo nasa tabi mo lang ako at inuutusan kita."
"Gyno hindi madali 'yon!" medyo tumaas na yung boses niya.
Tumayo ako at naglakad papunta sa sala. "Madali lang 'yon kung may tiwala ka sa sarili mo. Tsaka may plano na kami kung paano sila mapapatay lahat."
"Plan? Anong plano?" tumayo siya at lumapit sa akin na nakatayo din. 'Owshit! Nadulas ako!' nasapo ko ang ulo ko dahil sa nasabi ko. "Gyno anong plano ang sinasabi mo?"
"Ah-a-h ah hm." 'Di ko alam kung saan ako kukuha ng salita. 'Fvck gyno!'
Siguro ito na yung panahon para malaman niya na. Wala nang atrasan 'to.
*ehem* "Okay fine. Sasabihin ko na. Agent kami.""Agent?" nagtatakang tanong niya.
"Yes, we are agent. Kuya destin, kean, ate seth, mark, askieyah and pati si ate nami."
"Ate nami? Pati si ate nami? But ho-how?"
" 'Di ko na linya 'yan. Ask her yourself."
"All this time? Gyno? All this time all of you were agent?"
"Yes. We do some things to resolve the problem. We do helps. Kaya ngayon kami din ang naatasang magresolba ng problema sa school."
'And now she's speechless.'
"Pero alam ko ang trabaho ni ate nami ay..."
"Ay hindi mo alam."
"O-oo nga hindi ko alam kasi hindi niya sinasabi. Ayaw niyang sabihin. Now I know kung bakit ayaw niyang sabihin."
"Yeah. That's right."
"Bring me to your location, gyno. I want to see and i want it to be clear."
"But first maliligo lang ako." sabi ko at iniwan ko siyang mag-isa.
"Now that mimir will knows it. There's no secret that I can keep from her. And for my team, I'm sorry guys nadulas ako, nadulas ang dila ko."
BINABASA MO ANG
Highschool of the Dead
Mystery / ThrillerRank #278 in Mystery/Thriller | 03/12/18 Rank #824 in Action | 07/01/18 Highschool of the Dead: "Where death is near that you must fight to SURVIVE or be left for DEAD."