Chapter 18 Plano.
Nagising si mimir dahil sa ingay na nagmumula sa pinto ng kwarto niya.
Kumakatok ito at hindi man lang nagsasalita.
Hinayaan lang ni mimir 'yon dahil sa inaantok pa siya at hanggang sa mawala na ang ingay mula doon.Bumangon si mimir nang hindi na siya makabalik sa pagtulog.
Agad na naligo ito at nagbihis tsaka bumaba at pumasok ng kusina para kumain.
Nadatnan niya ang ate niyang si nami na busy sa pagluluto. Naaamoy niya ang niluluto nito kaya naman lalo siyang nagutom."Matagal pa ba 'yan ate?" tanong ni mimir.
Napalingon sa gawi niya ang kanyang ate dahil sa may nagsalita.
"Malapit na' to, magsandok ka na ng kanin mo para deretcho kain ka nalang." sagot ni nami.
Agad namang sinunod 'yon ni mimir. Sakto pagtapos niyang magsandok ay tapos na rin ang niluluto ng ate niya.
Inamoy niya ito at agad na naglagay ng ulam sa pinggan niya."Shi mama?" tanong ni mimir habang ngumunguya pa.
"Pumasok sa trabaho."
Napatango nalang si mimir.
"Hindi na tayo nagkakasamang tatlo dahil busy kayo sa trabaho niyo." sabat ni mimir.
"Hayaan mo sa susunod mabubuo rin tayo ulit."
"Kailan kaya 'yon? Kasi kapag si mama ang kasama ko dito, ikaw naman ang wala. Kapag ikaw ang kasama ko, si mama naman ang wala. Kapag wala ako dito, kayo ni mama ang magkasama at kapag darating ako dumidiretcho na agad ako sa kwarto ko at' di ko na kayong dalawa na kakasama. See? Pagkakataon nga naman."
"Eh wala ganun talaga eh. Kailangan mong masanay pero darating din naman yung araw na magkakasama ulit tayong tatlo. Maghintay ka lang."
"Sa graduation ko kaya makokompleto tayo?" – mimir.
"Syempre naman, graduation mo 'yon, importante' yon dapat nandun kami para masaksihan namin ang pagkagraduate mo."
Nang matapos kumain si mimir ay nagpaalam na siya sa ate niya na papasok na pero nagtaka ang ate niya dahil maaga pa daw.
"Alis na ako ate. Papasok na ko."
"Teka maaga pa ah? Mamaya na."
"May dadaanan pa kasi ako ate."
Nanliit ang mata ng ate niya, mukhang nahihinuha niya na kung saan pa pupunta ito kaya naman ngumiti siya ng nakakaloka.
"Okay, ingat."
"Anong nginingiti mo jan?" taas kilay na tanong ni mimir.
"Wala sige na umalis ka na, baka malate ka pa, baka hinihintay ka na niya."
"Okay, bye ate."
"Bye."
Pumara ng tricycle si mimir at nagpahatid nalang malapit sa school nila. Limang iskinita matapos madaanan ang school niya. Doon siya nagpababa at pinasok niya ang ika-anim na iskinita kung saan mga halaman at puno nalang ang madadaanan mo. Masyado pang malayo ang lalakarin niya kaya naman binilisan niya ang lakad niya. Dahil masyadong gitna pa ng kagubatan ang bahay ni gyno.
Buti na nga lang at hindi siya naliligaw dahil masyadong nakakalito ang gubat at wala pang palatandaan pero siya ay alam niyang dire-diretcho lang ito.
Nang makalabas siya ay agad na bumungad sa kanya ang bahay na tinitirhan ni gyno. Naglakad siya papunta roon at agad na kumatok doon.
Wala pang ilang minuto ng bumukas 'yon at bumungad si gyno na naka'-topless pa't bagong ligo. Hindi na nagulat si mimir dito dahil sanay na ito. Agad siyang hinatak papasok ni gyno at isinira ang pinto at agad namang hinalikan ni gyno si mimir. Na para bang hindi nagkita ito ng ilang araw. Nang matapos ang halikan nila ay hinalikan naman siya ni gyno sa noo na ikinangiti ni mimir."Wait me here, magbibihis lang ako at sabay na tayong pumasok." Sabi ni gyno.
Umalis si gyno at naiwan si mimir mag-isa sa pinto kaya naman naglakad siya papuntang sala at umupo.
—
MIMIR's POV
Nang makarating kami ni Gyno sa school ay agad na sumalubong samin ang busy'ing sila mark, ate nami, seth, kuya destin at askieyah. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Malapit sila sa hagdanan ng fourth floor katabi ng room.
Hindi pa man kami tuluyang nakakaayat ni gyno ay nakita nanamin sila."Ba't sila nandito?" tanong ko kay gyno.
"I don't know? Tanungin natin. Kasi masyado namang biglaan."
"Biglaan ang alin?"
"Nothing. Tara."
Hinatak niya ako papunta sa kinaroroonan nila ate nami.
"Anong ginagawa niyo rito ate?" tanong ko na biglang kinahinto ng usapan nila.
"Tinitignan lang namin kung anong pwede naming magawa. Bawat daan at sulok ay sinusuri namin. Dahil 'di kami pwedeng umaksyon ng hindi namin nalalaman ang pwede naming daan in case of emergency." —ate nami.
"Ah ganon ba? Well tama naman kayo, sige maiwan ko na kayo." nagsitanguan lang sila at kami naman ni gyno ay pumasok na sa room.
"Any idea kung anong plano nila?" biglaang tanong ko kay gyno pagkaupo ko.
"It's better if you don't know because i'm sure if we attack, there's no one in this building except for us but if you're here at that moment, i won't let them drag you or hurt you again. I'll promise that." sagot niya sabay kindat pa.
Maya maya ay nagsidatingan na ang guro namin at mga kaklase namin. Nandito na rin si Askieyah at Mark.
Nang tapunan ko ng tingin si mark at askieyah ay — parang may something 'tong dalawang 'to. Nahuli ako ni askieyah na nakatingin.
"What?" bulong na sabi niya na 'di maririnig ng guro namin.
Dahil sa sinabi niya ay napadako naman ng tingin si mari at gyno sakin.
"Wala, wala." sabi ko na umiiling pa.
Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pakikinig.
Hinatid ako ni gyno sa bahay nang sumapit ang uwian at mukhang nagmamadali pa ito."Pasok ka muna." anyaya ko.
"Hindi na babalik pa 'kong school eh."
"Bakit? May naiwan ka ba?"
Bumuntong-hininga ito. "Ngayon namin gagawin ang plano mimir."
"Ahhh kaya pala nagmamadali ka, sige mag-iingat kayo." tumango lang ito at umalis na.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi ako mapakali! Gustong kong bumalik sa paaralan. Gusto kong malaman kung anong ginagawa nila, kung okay lang ba sila. Plano 'yon means lumusob na sila. Ginawa na nila kung paano masusolusyonan 'yon.
Agad akong napatayo sa kama. Hindi pa 'ko nagbibihis kaya naman kumuha nalang ako ng jacket at sinuot 'yon.
BINABASA MO ANG
Highschool of the Dead
Mystery / ThrillerRank #278 in Mystery/Thriller | 03/12/18 Rank #824 in Action | 07/01/18 Highschool of the Dead: "Where death is near that you must fight to SURVIVE or be left for DEAD."