Chapter 11

86 6 0
                                    

MIMIR's POV

Isang linggo na ang lumipas simula nung mangyari ang isang pangyayaring nakita ko. At sobrang takot ako non. Dahil tanghali ng pumasok kami ni Gyno at Mark ay nadaanan namin ang hagdan papunta sa ikatlong palapag pero lagi naman naming nadadaanan 'yon eh. Kasi 'yong hagdan naman talaga do'n ang daanan paakyat. Magkaiba kasi ang daanan ng pababa sa paakyat.



--Flashback--

Papaakyat na kami sa ikatlong palapag ng building namin ng may makita kaming mga tao na nagtutumpukan sa daraanan namin. Madaming pulis at madami ring mga guro at lalo na ang mga estudyanteng diring-diri sa nakikita nila kaya naman dahil sa kyuriyusidad ay nakisingit ako. At masuka-suka ako ng makita ko ang nangyari sa gwardiya namin dito sa paaralan. Agad na nilapitan ako ni Gyno at Mark tinignan muna nila 'yon at nang makita 'yon ay kahit lalaki sila ay nandiri rin sila. Agad na inilayo nila ako mula ro'n. Kasi sino ba namang taong hindi mandidiri dun. Puro dugo, duguan at yung leeg akala mo kinain ng aswang at yung tyan ay butas na halos wala nang bituka o laman tapos samahan mo pa ng dugo sa paligid niya at sa bintana sa tapat ng pinaghihigaan nung bangkay ay halatang talsik ng dugo. Oh 'di ba? Sinong hindi mandidiri't masusuka do'n? Ewan ko pero parang halimaw talaga ang pumatay o sabihin nating kumain do'n eh. Halatang uhaw sa laman loob ng tao.



"Don't think about it mimir." seryosong sabi ni mark kaya napatingin ako sakanya at si gyno naman ay napatingin sa akin.

"Mark is right. Hayaan mo na sila ang mag-asikaso no'n. Kalimutan mo ang nakita mo kanina dahil alam kong nakakadiri 'yon at masyadong nakatatatak sa utak, isip mo at ng lahat."

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon