Chapter 4

120 8 0
                                    

MIMIR's POV

Isang linggo na ang nakalipas at mabuti nalang ay walang nang pangyayaring naganap. Ang huling pangyayari no'n na nasaksihan namin ni gyno ay yung lalaking naka upo sa silya ng upuan ng guro at malapit sa hagdan sa may third floor.


———Flashback———


Maaga kaming pumasok ni gyno para sabay na magreview para sa quiz namin mamaya sa math habang paakyat kami ni gyno sa third floor ay parehas kaming nagulat sa nakita namin. Isang lalaking naka upo sa silya, silya na pang-guro. Naka upo sa sulok at nakasandal siya sa pader, duguan ang damit at may tarak ng kutsilyo sa mismong dibdib nito. Nandiri ako ng sobra at hindi ko na kaya ang nakikita ko dahil sa mga dugo nito kaya tinakpan ni gyno ang parehang mata ko at tinungo namin ang third floor na agad naman kaming tumawag ng security guard o guro para makita at maasikaso iyon. Nang rumispunde na ang mga pulis ay agad na kaming umalis do'n dahil sa dumadami na rin ang mga estudyanteng nakikichismis.

Nang makarating kami sa silid namin ay hindi na kami nakapag-review ni gyno dahil pagpasok na pagpasok ko ay agad kong sinubsob ang sarili sa lamesa ng aking upuan at si gyno naman ay paulit ulit na nag-uumiling dahil sa nasaksihan.

———End Of Flashback———



Grrr. Nakakadiri pa rin ang mga dugo nung lalaking 'yon na halos maligo na ang buong katawan niya. Pero salamat at umabot ng isang linggo ang pagiging malaya ng building na 'yon.

Nang marinig ko ang tunog ng bell na ibig sabihin ay breaktime ay agad akong nagligpit ng mga gamit ko. Agad naman ding nagsilabasan ang mga kaklase ko.
Nang matapos ako ay agad kong nilapitan si gyno na--- napanganga ako ng makita kung ga'no kagulo ang lamesa ni gyno, puno ng mga gamit niya at abala pa rin siya sa paghahalungkat ng gamit niya.
Magkanda hulog hulog na ang mga gamit niya dahil sa paulit ulit na paghahalungkat niya. Eh nahalungkat na niya naman 'yon.

Nakatayo ako sa gilid ng 'mesa niya at kiyuryos sa ginagawa niya kaya 'di ko mapigilang magtanong.

"Gyno? Anong bang hinahanap mo? Tingnan mo naman oh kung gaano na kagulo yung mga gamit mo."

Pinulot ko yung iba niyang gamit na nalaglag na at nilapag 'yon sa lamesa niya.

"Huy gyno? Breaktime na. Mamaya na yan. Ano ba kasing hinahanap mo?"

'Di man lang ako sagutin! Kaya tumayo nalang ako sa gilid ng 'mesa niya at pinanood lang siya.
Nang hindi niya talaga makita ang hinahanap niya ay sumuko na siya napa-upo siya sa bangko niya na akala mo ay natalo sa pustahan.

"Ugh! 'Di ko talaga makita!"

Pagkakasabi niya no'n ay sinubsob niya naman ang mukha niya sa mga gamit niyang naka-kalat sa 'mesa.

"Ano ba kasing hinahanap mo?" pangatlong tanong ko na 'yan ah.

"Yung larawan." larawan? as in picture?

"Anong picture? Kaninong larawan?" kunot noong pagtatanong ko.

"Larawan ng next target!" a-ano daw? next target.

"Ano? Sinong next target? Anong next target?" sunod sunod na tanong ko dahil sa pagtataka at kiyuryos na ako.

"Next target alam mo na? Yung?" tiningnan niya ako at pinapaikot-ikot niya ang kamay't braso niya ang kanang kamay na parang 'sige kaya mo 'yan alalahanin mo lang'
Sa puntong 'yon nalaman ko rin kung ano ba ang pinupunto niya.

"Ah? pero next target? Pa'no mo naman nalaman na siya nga 'yong susunod na target?"

"Ugh, basta. Basta kailangan kong mahanap 'yon."

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon