MIMIR's POV
Nakakapagtaka man kung saan niya nasagap ang balitang 'yon ay hindi ko nalang ito pinagtuunan ng pansin at mas pinagtuunan kong pansin ay yung safe kaming nakalabas ng school at buti ay walang umatake ngayon.
Kinakabahan kaya ako non habang naglalakad kami palabas kasi hindi namin alam na baka nandoon lang 'yon sa paligid-ligid at bigla nalang kaming atakihin. Edi hindi kami handa 'di ba? Pero alam kong safe naman ako dahil kasama ko si Gyno Aebel at dagdagan mo pa ng Mark Geovan mas safe na safe ka na non. Hindi ko pa man alam kung si Mark ay kaparehas ni Gyno ay nasisigurado ko na agad ito na. Parehas silang may talent sa paglaban.Ngayon ay nakasakay kaming tatlo sa taxi pauwi samin bago sakanila. Ewan ko ba gusto nilang maka-uwi ako ng safe eh. Kasi dapat talaga hihiwalay ako sakanilang dalawa pero ayaw nila, ewan ko ba sa dalawang to. Nang makarating kami sa bahay ay naglabas ako ng pera para naman may mai-ambag ako pero tumanggi lang silang dalawa at sila na daw ang magbabayad kaya naman hinayaan ko na sila.
"Salamat. Ingat pauwi." sabi ko nang makababa na ako at tumango naman silang dalawa tsaka ko sinara ang pinto at pimasok sa bahay.
"I'm Home!" sabi ko nang makapasok ako.
"Buti naman at naka-uwi ka na." sabi ni ate nami na nasa sala at nanonood.
"Si mama?" agad kong tanong.
"Si mama, ayun pinatulog ko na. Maaga ko nang pinagpahinga dahil alam ko namang pagod na pagod na 'yon sa kakatrabaho niya."
Umupo ako sa single sofa at tinuon ang paningin ko sa panonood.
"Bakit pa kasi kailangang magtrabaho ni mama? Eh may trabaho ka naman na ate nami." sabi ko nang hindi siya nililingon at nakatuon lang ang mata ko sa panonood.
"Naku, ilang beses ko nang pinigilan si mama diyan. Pero ayaw niya talagang magpapigil kasi daw wala daw siyang gagawin dito sa bahay. Ayaw niya ng nabuburyo dito sa bahay kaya ayaw magpatalo."
"Ate naman. Eh halos buong araw nagtatrabaho si mama at halos araw-arawin na. Tapos ang dami pa niyang tinatahi na mga damit o kung anong pinapatahi sakanya tapos babayaran siya."
"Hayaan mo na 'yan lang naman ang routine ni mama eh. Ang magtahi ng magtahi."
"Pero masakit sa kamay 'yon noh!"
"Wala tayong magagawa, siya may gusto non eh."
"Okay, okay." pag-gi-give up ko.
"Osiya kumain ka na do'n. May ulam pa do'n at kanin. Wag ka nang kumain ng marami ah. Gabi na tapos—"
"Tapos magpahinga muna o magpababa ng kinain bago matulog o kung may gagawin ka man ay gawin muna pero wag magpupuyat." pagtapos ko sa sinabi niya. Alam ko na 'yang line niyang 'yan. Nakabisado ko na dahil lagi niyang sinasabi sakin 'yan.
BINABASA MO ANG
Highschool of the Dead
Mystery / ThrillerRank #278 in Mystery/Thriller | 03/12/18 Rank #824 in Action | 07/01/18 Highschool of the Dead: "Where death is near that you must fight to SURVIVE or be left for DEAD."