Chapter 3

150 7 0
                                    

MIMIR's POV




"MIMIR! MIMIR! Bilisan mo na jan at may naghihintay sayo dito!" napa-hinto ako sa bi-bitones ng uniform ko dahil sa sinabi ni ate nami. May nag-hihintay daw sakin. Sino naman?

"Ah sige ate sabihin mo sandali lang!"

Pinagpatuloy ko na ang kaninang ginagawa ko pagkatapos ay nagsuklay.
Nang matapos ay nagsapatos naman ako tsaka ako bumaba.
Pagkababa ko ay naabutan ko si ate nami na naghahain.

"Teka. Nasaan si mama?" takang tanong ko.

"Busy sa trabaho niya. Kaya ako na ang nagluto at naghain."

"Ah eh sino ba 'yong naghahanap sakin ate?" umupo ako't kumuha na ng makakain.

"Ah 'yon ba? Si Gyno 'yon, nando'n sa sala nanonood muna ng t.v. para hindi ma-bored." bigla akong nabilaukan ng marinig ko ang pangalang Gyno.

"Oh! Ayos ka lang? Tubig oh." agad ko namang inabot 'yon at ininom.

"Bakit nandito 'yon?"

"Pinapunta ko bakit?" pinapunta? So ibig sabihin ay kilala ni ate si gyno?

"Kilala mo 'yon? At tsaka bakit ang sabi mo ay may naghahanap sa akin eh kung pinapunta mo naman pala?"

"Para bumaba ka na agad kasi alam kong magtataka ka kung sino ang naghahanap sayo na hindi mo naman inaasahan." may toyo rin to si ate nami eh noh?

"Alam mo ate hindi ko alam kung anong trip mo minsan!" at nagpatuloy na lang ako sa pag-kain.

"Nalaman ko kasi sa kuya niya na magkaklase kayo." bungis-ngis ni ate. Ano kinikilig ang loka?

"So ano naman kung magkaklase nga kami? Anong konek no'n sa nandito siya?" bored na sabi ko.

"Mas safe kasi kung parehas kayong magsasabay papasok tsaka para may taga-pag-tanggol ka kung ano man ang mangyari." sabay ngiti niya at ako naman kunot noo nawi-weirduhan sa ate ko!

"Ah eh! Bahala ka na jan! Tapos na ako. Aalis na ako!" pumunta ako sala para do'n kunin ang bag ko nang makita ko si gyno na nanonood nga at seryoso pa. Kaya napatingin ako sa pinanonood niya.

'Magician?' Nagma-magic magic? 'Yon lang? Tapos tutok na tutok siya jan? EH? Bat ko ba siya pinapake-elaman. Kinuha ko na ang bag ko tsaka sinuot.

"Hoy!Gyno. Sasabay ka ba sakin?" napahinto siya sa kakanood at biglang tumingin saakin.

"Ah Oo!" sabay tayo siya at dinamput ang bag niya.

"ATE ALIS NA KAMI!" sigaw ko para marinig niya.

Sabay kaming naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Habang naglalakad hindi ko maiwasang magtanong sa isip ko. 'Paano sila nagkakilala ni ate?' 'paano niya nalaman ang bahay namin?' Hm? Matanong nga.

"Uy gyno."  agad naman tong napatingin sakin.

"May tanong ako. Paano kayo nagka-kilala ni ate? At paano mo nalaman ang bahay namin?"

"Ah 'yon ba? Nakilala ko si ate nami sa kuya ko. Magka-trabaho kasi sila tas nagta-trabaho din ako do'n kung saan sila. Actually magka-ka-miyembro kami." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Nagta-trabaho ka na? At miyembro?"

"Oo simula nung first year highschool palang ako. At yung sa miyembro hanggang doon nalang 'yon dahil bawal ipagsabi kung ano ang trabaho namin as a team."

"Ganon?" tumango na lang siya.

"Eh paano mo naman nalaman kung saan ang bahay namin? Naka-punta ka na ba do'n dati?"

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon