MIMIR's POV
Nang magising ako ay agad akong umupo at napatingin sa bintana. Gabi na pala. Napahawak ako sa tyan ko ng tumunog ito at nakaramdam ako ng kulo rito. Nagugutom na ako pero teka anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan. 12am na? Ang haba naman ng tinulog ko? 'Di bali na nga.
Tumayo ako at lumabas sa kwarto ko at nagpunta ako sa kusina at naghanap ng makakain. Ayun buti nalang meron. Sinimulan ko nang kumain at parang ilang araw akong hindi kumain dahil gutom na gutom ako. Nang matapos ako ay hinugasan at niligpit ko na 'yong pinagkainan ko at bumalik na ulit sa kwarto ko.
Nagmuni-muni muna ako baka sakaling antukin ako pero anong oras na 1:30am na hindi pa rin ako makatulog. Kaya napagpasyahan ko nalang na maglakad lakad sa labas. Kinuha ko muna ang jacket ko at isinuot 'yon dahil paniguradong malamig sa labas.
Nang makalabas ako sa pinto ay sumalubong agad sakin ang malamig na bugso ng hangin at nang makalabas ako sa gate ay mas sumalubong saakin ang mas malakas at malamig na hangin at isang madilim na kalye na tanging ilaw lang sa poste ang nagpapaliwanag.
Habang naglalakad ay nagmumuni muni ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko pero hinayaan ko nalang ito. Bawat lakad ko ay sumasalubong sakin ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Habang tinatahak ang daan ay padilim na ng padilim at iilan nalang ang ilaw na meron dito. Ang layo na nang nilakad ko pero patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa huminto nalang ako sa tapat ng mapupuno. Napatitig ako rito papunta sa bahay ni gyno 'to ah? Bat dito ako dinala ng mga paa ko? Eh bahala na nga.
Pinasok ko ito at tama nga ako papunta ito sa bahay ni gyno dahil nasa harap ko na mismo ang bahay niya. Naglakad ako palapit dito. Teka wala akong susing dala. Sinilip ko ang bintana nito at madilim wala sigurong tao dito. Pero gulat nalang ako na biglang bumukas ang pinto na nasa harap ko at bumungad sakin ang taong naka jacket 'di ako nagkamali si gyno ito.
"Hi." sabi ko rito.
"He-llo? Anong oras na ah? Anong ginawa mo rito?" hmm? Pa'no ba ito?
"Ah kasi hindi ako makatulog kaya naglakad lakad ako pero hindi ko akalain na dito ako dadalhin ng mga paa ko."
"Ah ganun ba? Ako rin eh. Hindi rin ako makatulog kaya sana maglalakad lakad ako pero ng buksan ko ang pinto ay ikaw ang bumungad sakin."
"Ah hmm. Want to join me? Tara lakad lakad tayo." at nginitian ko siya
"Sure tara. Do'n tayo sa likod maglakad lakad mas maganda do'n." tumango nalang ako.
Habang naglalakad kami ay panay lang ang kwentuhan namin. Nasa likod kami ng bahay niya at naglalakad lakad ng mapagod kami ay bumalik kami sa dinaanan namin at umupo sa tabi ng sapa.
"Ano nalang kaya ang mangyayari mamayang tanghali sa school? Sino kaya ang susunod na tatargitin?" tanong ko.
"Malay natin, hindi natin alam."
Katahimikan ang bumalot sa amin.
Parehas namin yakap ang sarili namin dahil sa lakas ng hangin nang biglang bumagsak ang malakas na ulan kaya napatayo agad kami at tumakbo papunta sa bahay niya.
Agad kaming pumasok ng marating namin ang pinto. Parehas kaming basa pero jacket lang. Naupo ako sa mahabang sofa at humiga dito. Ngayon mas nakakaramdam na ako ng antok napatingin ako sa orasan 3am na pala? Ilang oras lang ang nakalipas."Alam mo kung inaantok ka na umakyat ka nalang sa taas at matulog ka na." sabi niya at naupo sa single na sofa.
"Mamaya nalang hindi pa naman ako inaantok." pagsisinungaling ko.
"Ikaw hindi ka pa ba inaantok?""Inaantok na rin naman kaso mas gusto ko yung talagang inaantok na ako. Para mabilis akong makatulog."
"Hm. Ano bang pwedeng gawin para antukin na ng tuluyan?" tanong ko sa sarili ko.
"Music?"
"Sounds good." tumayo siya at nagplay ng music pero slow music lang ito para bang pampatulog talaga.
Naupo ako at tumabi saakin si gyno. Parehas kaming nakasandal sa sofa at ninanamnam ang bugso ng kanta.Say our farewells tonight
'Cause we can't miss out of life, and
Leave a kiss, so I won't feel alone tonight.
Take all my love with you,
and say you love me too, please.
Leave a kiss, so I won't feel alone tonight.So long my friend, until I ever see you again,
I'm asking you to leave a kiss, so I won't feel alone tonight.Ginigewang gewang ko ang ulo ko at sinasabay sa agos ng musika.
Oh, you used to be my world, and I was your only girl, so
I'll leave a kiss, so you won't feel alone tonight.So long my friend, until I ever see you again,
I'm asking you to leave a kiss, so I won't feel alone tonight.Maybe you're the wrong guy, maybe it's the wrong time, maybe I should wait.
Maybe you're the right one, baby but I'm so done begging you to stay.
Oh, I don't wanna fall or ever lose it all, what am I to say.
To this questions, I'll never get an answer anyway.Konti nalang at aantukin na ako.
Napatingin ako kay gyno na nakapikit lang habang nakasandal sa sofa at magkacross ang mga braso nito sakanyang dibdib. Sumandal nalang ulit ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata.So say your farewells tonight, 'cause we can't miss out on life, and
Leave a kiss so I won't feel alone tonightSo long my friend, until I ever see you again,
I'm asking you to leave a kiss, so I won't feel alone tonight.
So long my friend, until I ever see you again,Parehas kaming napamulat ni gyno at napatingin sa isa't isa pero ganon na lamang ang gulat ko ng sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Rinig ko pa rin ang lakas ng ulan sa labas. Patapos na ang kanta.
Nagkatitigan lang kami ni gyno hanggang sa palapit na ng palapit ang mukha niya sa mukha ko.I'm asking you to leave a kiss, so I won't feel alone tonight.
Kasabay ng pagtapos ng kanta ang paghalik saakin ni gyno. Napatingin ako rito at nakapikit lamang ito at patuloy pa rin ang halik sakin kaya nung tumagal ay tinugunan ko na ito at sumabay sa galaw ng labi niya.
Unang kumalas si gyno at napatayo."So-sorry." paumanhin niya.
"O-okay lang tinugunan ko naman 'yon."
"O-okay lang sayo?"
"O-o-oo naman. Tsaka hindi naman unang beses na nangyari ang halik na 'to i mean unang beses 'tong nangyari yung matagal pe-pero yung halik hindi." Nahihiya akong napa-yuko dahil sa sinabi ko.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang baba ko para i-angat ang ulo ko na naka-yuko.
Hinalikan niya ulit ako, napalunok ako pero tinugunan ko ulit ito nang matapos ay nagsalita siya."I'm sorry again. I-i can help it but to kiss you. Let's go upstairs and sleep. I know both of us are sleepy na." tinanguan ko lang ito at ako ang unang tumayo at nanguna sa paglalakad.
"Goodnight." sabi ko nang mahiga kami.
"Goodnight." sabi niya pabalik.
Inalala ko muna yung nangyaring halikan samin ni gyno kanina. Hindi ko alam na mangyayari 'yon. Napalunok nalang ako at napa-iling.
Tsaka ako natulog nang mawala sa isip ko 'yon at tuluyang makatulog.
BINABASA MO ANG
Highschool of the Dead
Mystery / ThrillerRank #278 in Mystery/Thriller | 03/12/18 Rank #824 in Action | 07/01/18 Highschool of the Dead: "Where death is near that you must fight to SURVIVE or be left for DEAD."