Chapter 14

89 8 0
                                    

MIMIR's POV

Isang buwan na 'yon ay maraming pangyayaring nagaganap. Pero minsan ay wala ako doon at hindi ko nasasaksihan ang mga 'yon dahil maaga akong umuuwi siguro sila gyno ay naaabutan 'yon dahil sila lang naman ang kayang lumaban sa mga halimaw na 'yon. At ako wala pa rin.
At ngayong araw na 'to ay tuturuan akong bumaril ni gyno kasama ata sila mark at askieyah. At ngayon ding araw na 'to ay titignan ko kung makakaya ko ba talaga.

Ngayon hinihintay ko lang si gyno dito sa sala namin. Dahil hindi ko alam kung saang lugar niya 'ko dadalhin para turuang bumaril.
Nanonood ako ng t.v. habang naghihintay. Alas otso palang ng umaga. Alas-otso din ang usapan pero wala pa siya.

"Oh mimir ang aga mo ata? May lakad ka?" tanong ni ate nami sakin nakakababa lang mukhang kagigising lang. Huminto ito sa harap ko.

"Ah oo ate. Aalis kami ni gyno, may pupuntahan lang kami kasama ata sila mark at askieyah." tumango ito.

"Saan punta niyo?" tanong niya ulit.

"Hindi ko pa alam kung saan eh." hindi ko naman talaga alam kung saan kaya hindi na kailangang magsinungaling.

"Ah okay. Teka, kumain ka na ba?" daming tanong ni ate ah?

"Ah oo ate. Nagluto na ako diyan. Nando'n sa mesa ang niluto ko. Puro fried lang 'yon."

"Okay." sabi niya sabay diretchong naglakad papuntang kusina.

Maya maya ay nakarinig na ako ng busina sa labas. Malamang ay si gyno na 'yon.

"Ate nandito na si gyno. Aalis na ako. Pasabi nalang kay mama!" sigaw ko kay ate.

"Sige!"

Agad na akong lumabas at naabutan ko si gyno na nakasandal sa hood ng kotse niya. Basa pa ang buhok nito, halatang bagong ligo. Naka-jeans ito, naka-rubbershoes na puma at naka-jacket na pula habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang jacket. Habang ako ay naka-short lang, rubbershoes na puti at naka-jacket na dilaw.

"Goodmorning. Sorry nalate ako ng gising." sabi niya.

"Goodmorning too." nginitian ko ito. "Tara na?" anyaya ko.

"Tara." sabi niya tsaka naglakad patungong passenger seat para pagbuksan ako ng pinto.

"Thanks." pagpapasalamat ko sabay pasok.

"Welcome." sabi niya tsaka naman umikot ulit pakabila at sumakay sa driver seat.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni gyno, kaya buong byahe ay tahimik lang ako, kami. Hanggang sa pumasok kami sa isang malaking bahay na parang mansiyon, ay hindi mansiyon talaga siya! Napanganga ako dahil sa ganda dito. Malaking kulay itim ang gate at pagpasok mo ay puro halaman ang makikita mo at mga bulaklak tapos sa dulo makikita ang isang bahay na napakalaki. Kung titingnan mong mabuti at kabibisaduhin ang pasikot-sikot dito ay malamang ay napakalaki nito. Pinarada ni gyno ang kotse sa mismong tapat ng bahay. Bago siya bumaba at pinagbuksan ako.

"Thanks. Teka gyno nasaan tayo?" tanong ko habang tinitignan ang paligid. Grabe ang ganda dito parang ayoko nang umalis. Masyadong payapa sa lugar na 'to. Sobrang tahimik at ang maririnig lang talaga ay ang boses namin ni gyno.

"Nandito tayo sa bahay namin." halos mapanganga ako sa sinabi niya. As in 'wow' bahay nila 'to.

"Seryoso?" manghang tanong ko.

"Yup. Tara pasok tayo." inilahad niya ang kamay niya sakin at inabot ko naman 'yon at sabay kaming naglakad papasok ng bahay.

Pagpasok namin ay lalo akong namangha sa bahay nila. Ang simple ng bahay nila pero puro artwork kahit saan mo bandang tingnan. At may malaki ding litrato, mom and dad niya ata 'yon. Tapos sa magkabilang gilid ay si gyno at ang isa pang lalaki, si kuya destin 'yon panigurado.

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon