Chapter 7

97 7 0
                                    

MIMIR's POV



Balik paaralan nanaman kami ng matapos ang dalawang araw na walang pasok dahil sa bagyo.
At ngayon ay pasukan nanaman.
Ngayon ay araw ng miyerkules at malamang ay sandamak-mak na gawain ang gagawin namin ngayon. 'Being highschool is not that easy.' tsaka last year ko na 'to bilang highschool.

Bumangon na ako at nagsimula nang mag-ayos, maligo at kumain.
Habang kumakain ay hindi ko naiwasan ang mga mata ni ate nami na laging nakatuon sakin na para bang naghahanap sakin ng sagot.

"Hays, ano ba 'yan ate nami? Tigilan mo nga 'yang mga tinginan mong ganyan! Nakaka-ilang."

Hindi nito pinansin ang sinabi ko at bumalik nalang sa pagkain.
Hays, ano bang problema nito sakin?
Maya maya ay ayan nanaman ang mga tinginan ni niya. Hays!!

"Alam mo ate kung may gusto kang malaman o tanungin sakin ay sabihin mo na." at nagbored look ako sakanya.

"Yung mga araw na magkasama kayo ni gyno may nangyari ba sainyo? May namamagitan na ba sainyo? Ano?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni ate nami.
Baka mapansin niya ako kaya inayos ko ang sarili ko.

"Ano klaseng tanong 'yan ate nami? Syempre wala! Magkaibigan lang kami ni gyno no!" ngayon ay hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang halik na namagitan sa amin. 'Urgh!'

"Talaga bang wala? Kasi halos apat na araw kayong magkasama mimir." ang mga mata ni ate nami naniningkit!

"Wala talaga ate nami promise." Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagsinungaling. Hays!

"Talaga bang wala?" taas kilay niyang tanong. "Kasi mimir kaya kong itanong kay gyno 'yang tinanong ko sayo at i swear magsasabi nang totoo 'yon."

Bilang akong namasid dahil sa sinabi ni ate nami. Gosh! Ay ewan!

"Okay, okay magsasabi na. May nangyari na samin ni gyno i mean halikan lang ah! Baka madumi 'yang nasa isip mo!"

"Ayun. Tingnan mo nangako ka pang wala eh meron naman pala talaga. Nagsinungaling ka pa mimir."

"Sorry. Sige na aalis na ako. Baka mahuli pa ako sa klase."

"Sige ingat."

"At paki sabi kay mama na umalis na ako." tango nalang ang sinagot niya sakin at ako naman ay umalis na.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ay bumungad agad sakin si gyno.

"Oh bakit nandiyan ka?"

"Pinuntahan kita rito kasi sasabay na ako sayong pumasok at para sabihin sayo na kaninang umaga ay may natagpuan daw na patay doon nanaman malapit sa hagdan sa may third floor at ngayon naman ay dalawa nang estudyante ang nabiktima."

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na dalawang biktima ang sasabihin niya.

"Da-dalawa?" nauutal kong sabi.

"Oo dalawa. Bakit?"

"Gyno! Dalawa? Bat nadagdagan ata?"

"Malay ko! Bat tinatanong mo ako? Alam ko ba?"

Sa bagay sinabi lang sakanya.
Pero dalawa? Nung una, isa isa lang ngayon makalipas ng ilang araw nadagdagan pa ng isa at ngayon dalawa na. Ano nalang kaya sa susunod? Tatlo? Apat? Lima? Pito? Sampu? O mas marami na? Aish! Wag naman sana!

Nang makarating kami sa school ay 'yon agad ang bumungad samin, ang mga chismis. Tungkol sa dalawang estudyanteng namatay.
Hindi na namin pinansin 'yon ni gyno at dumiretso nalang kami sa classroom.
Agad kaming dumiretso sa kanya kanyang upuan at natahimik hanggang sa dumating si askieyah at nagsimula nanamang dumaldal.

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon