Chapter 17

58 4 0
                                    

It's been a months simula nung huli kong ud hehe. So eto na siya sana magustuhan niyo.


3RD's PERSON

Nang matapos maligo si Gyno ay niyaya niya na si Mimir na umalis.
Habang nasa byahe ay kabado si gyno dahil hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni mimir pagnagkataong malaman niya na ang lahat.

Dahil sa hindi siya mapakali ay napreno niya ng biglaan ang sasakyan niya.

"Ano 'yon gyno?" tanong ni mimir sakanya.

"May dumaan kasing pusa. Kaya napreno ko ng biglaan." sagot ni gyno pero sa totoo nalingat lang siya kaya akala niya ay may dumaang pusa.

"Wala namang pusang dumadaan gyno." depensa ni mimir.

"A-ah baka nalingat lang ako."

Pagkasabi niya non ay pinaandar niya na ulit ang makina ng sasakyan niya.
Nang makarating sila sa Agent's secret house ay agad na tinabi ni gyno ang sasakyan niya sa parking lot.
Naunang naglakad si gyno kay mimir pagkapasok sa kabahayan ay namangha nalang si mimir sa paligid na nakikita niya. Maraming armas, iba't ibang klase ng baril ang nakikita niya bawat pader at meron pang mga balisong. May mga antique rin sa gilid gilid at tulad nalang ng bangko na gawa pa sa kahoy at mga vase sa gilid gilid na halatang makaluma na.

Diretcho lang ang lakad nila hanggang sa makarating silang dalawa sa ikalawang palapag kung nasaan ang office nila. Nang buksan ni gyno ang pinto ay bumungad sakanya ang mga kasamahan niya.

"Naparito ka?" tanong ng kuya ni gyno si destin.

"May bisita tayo." sagot ni gyno.

"Bisita? Himala ata iyon? Alam mong sikretong kabahayan ito, paano tayo magkakabisita?" sagot ni destin. Lahat sila ay nakatingin kay gyno maliban sa ate ni mimir, si nami.

Hinawi ni mimir si gyno at siya ang nagpakita sa mga ito. Gulat ang mga matang nakakita kay mimir dahil hindi nila inaasahan iyon.

"Mimir?" gulat na sabi ni mark.

Sa kabilang banda ang busy'ing si nami ay agad na natigilan sa ginagawa niya ng marinig niya ang pangalan ng kapatid niya. Agad na nilingon niya ang mga ito.

"Ate nami." bangit ni mimir.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni nami.

"Sorry guys, nadulas ang dila ko ng mabangit ko ang salitang may plano tayo." sabat ni gyno.

"Gyno! Bat 'di ka nag-ingat?!" sabat naman ni askieyah.

"Nag-ingat naman ako kaso nadulas lang talaga ako." dipensa ni gyno.

"Tama na 'yan." pigil ni nami.
"Nandito na eh, nalaman na wala nang dapat itago. Mimir nakakagulat ba?" tanong ni nami.

"Bat mo tinago sakin 'to ate nami?" tanong ni mimir.

"Sorry, kailangan eh." saad ni mimir at nilapitan ang kapatid niya. Si gyno naman ay lumayo at umupo sa sarili niyang upuan at pinagmasdan ang dalawa.

Highschool of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon