Kaba.. Takot.. Nginig.. Kasabay ng pagtulo ng pawis mula sa mukha ni Steffanie ang bilis ng tibok ng puso. Hindi niya maigalaw ang katawan sa sobrang higpit ng taling nakapulupot sa buong katawan niya. Gusto niyang sumigaw, pero hindi niya magawa dahil sa panyong isinuksok sa bibig niya.
"Sssshh! 'Wag ka'ng maingay, aalis na tayo dito! Ililigtas kita! Promise, poprotektahan kita kahit ano'ng mangyari!"
'Yun na yata ang pinakamasayang araw sa buhay niya nang dumating si Stephen sa madilim na kinaroroonan niya. Siya ang hero, knight in shining armor o angel sa buhay niya. Nang makaalis sila sa silid na 'yun, hinatak ng lalaki ang kanang kamay ni Steffanie at hinablot ang baril mula sa tagiliran niya. Kinuha rin ni Steffanie ang sarili niyang baril bilang proteksyon nila. Kasabay 'nun ay matinding putukan.
Malapit na nilang marating ang pinto papalabas ng abandonadong gusali, nang makita ni Steffanie ang isang matandang armadong lalaki. Itinulak niya ang kasama niya at napaibabaw siya sa kanya.
"Ssssh! 'Wag ka'ng maingay! May kalaban!"
Sa sobrang gulat ng bata, hindi siya nakapagsalita at napatitig din sa mukha ng batang babaeng kasama niya. Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang magtaksil sa kanyang ama para lang sa babaeng ito.
"Ayan! Wala na!"
Kumalat muli ang katahimikan nang mapansin nilang pumasok ng gusali ang isang mamang mabigote at panay ang takbo, hanggang sa nagkasalubong sila ng mamang halos ka-edad niya.
"Nasan ang anak ko?!", lumuhod siya kasabay ng pagpatak ng luha niya.
"Nakikiusap ako, huwag mo siyang idamay!"
"Isusunod ko siya sa kapatid ko! Tulad ng ginawa mo sa kanya!"
"Huwag Emilio! Walong taong gulang pa lang siya! Huwag mo'ng idamay ang anak ko dito! A-ako na lang ang patayin mo!"
"Ngayon, alam mo na ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay? Ano ba'ng kasalanan ni kuya Ymil sa'yo?! SABIHIN MO NGA!!!! SABIHIN MO!!! Matapos ng lahat ng pinagsamahan natin, ito ang isusukli mo?!"
"Maniwala ka Emilio! Hinding hindi ko magagawa ang patayin si kuya Ymil! Kaibigan kita, kaibigan ko rin siya!"
"Wala ka ng takas Enrique! Kahit ano man ang mangyari sa'yo ngayon, hinding hindi na maibabalik ang buhay ng kapatid ko!"
"Naniniwala ka ba?! 40 years Emilio! Naging magkaibigan tayo! Tapos, hahayaan mo lang masira ang pagkakaibigan natin ng dahil lang sa paniniwala mo'ng iyan?"
"NBI na mismo ang nagsabi-"
"Mali! Nagkakamali sila Emilio! Paniwalaan mo ako! Ito ang-"
Naudlot na ang paliwanag ni Enrique nang biglang may bumaril sa kanya mula sa isang madilim na parte ng nasabing gusali. Kasunod naman nito ang pagbaril din kay Emilio. Pareho silang humandusay sa sahig at patuloy ang pagtulo ng dugo.
"Papa! Papa! Pa-", pinigil ni Stephen magsalita si Steffanie dahil sa pangambang madamay din sila sa putukan. Umiyak din ang paslit nang makita niya ang duguang ama.
Tumakbo sila upang tingnan ang kani-kanilang ama. Pero, nakita ni Steffanie ang isang malaking taong nakasuot ng itim at nakatutok ang baril kay Stephen. Agad siyang tumakbo at sumigaw:
"Yuko!" at pinagbabaril ang kinaroroonan ng salarin. Wala siyang pakialam kung maubos ang bala ng baril niya, ang mahalaga ay matamaan ang bumaril sa ama niya. Hinila na ni Steph si Steffanie palabas ng gusali dahil alam niyang hindi sila ligtas sa loob.
Saka na lang sila nakapasok muli nang nagsidatingan na ang mga pulis. Walang tigil ang iyak ni Steffanie at kakatawag niya ng "Papa!". Kinuha ng mga Alponse si Stephen at pilit na inilayo sa kasama niya bagamat alam nila sa mga sarili nila na matinding magkalaban na ngayon ang magkabilaang panig nila.
BINABASA MO ANG
How I Met My Romeo
Action"Isa ako'ng high school student, masayahin, 'di mahilig sa girl stuffs. Simpleng ayos lang, okay na. Maton of the school ika nga nila. Pero isa ako'ng prinsesa (syempre, feeling-feeling lang), may dalawang kuyang prinsipe at parents na nasa abroad...