♠ Chapter ➄ⓞ-He's Leaving ♠

180 10 2
                                    

(Ashley Quintilla)


Nagdaan ang mga araw, hindi pa 'rin kami nagkikibuan ni Sep. Parang bumalik kami sa dati. Pumapasok ang 8 Spades, maliban siya. Minsan pumapasok, minsan hindi. Walang texts, tawag o kahit sticky note 'man lang na galing sa kanya. Parang nag-break kami ah? Kasalanan ko ba? Kasalanan ba ang maging concern sa kanya?


Oo, wala pa 'ring nabago, at kailanman, hindi na magbabago. Kay Gio talaga ako sasama. Gusto ko 'rin kasing makasama ang bestfriend ko. Namiss ko 'rin kasi siya. Dalawang araw na lang bago ang lakad-barkada. Buti na lang Sabado ngayon! Makakapagpahinga ako!


"Ash!! Ash?!!"


*knock! *knock!


Tumayo ako upang buksan ang pinto. Pusang gala naman oo! Akala ko, makakapagpahinga ako ngayon, pero heto nanaman si Den! X____X


"Den? Ano'ng ginagawa mo dito? Ang aga-aga pa ah?"


"Ang aga-aga?? Hello?? Mag na-9:30 na kaya? Magbihis ka na! Mag-go-grocery tayo!"


"G--grocery? Para 'san??"


"Heller? Syempre ng mga snacks natin para sa Monday! Ang dami pa 'man din nating mga pupunta!"


"Tsss! Mas marami sa Hundred Islands 'no! Tsaka keri na 'yan! Kukuha na lang ako sa cabinet ng kitchen sa baba!"


"Wala na... Wala ng Hundred Islands. Hindi mo ba alam?"


Nanlaki ang mga mata ko nang marinig na wala ng Hundred Islands...


"Talaga? Lumubog na ba ang mga isla ng Hundred Islands? Ano'ng nangyari??"


"Sira! What I mean is wala na sa option ang Hundred Islands kaya lahat ng nagsign 'dun, sasama na 'rin sa Tacloban. Nag-back out na si Sep kaya inexclusive trip na lang niya 'yun para sa kanilang mga 8 Spades."


"Ha?? B--bakit daw? May nangyari ba'ng m--masama kay Sep?"


"Malay ko ba? Haha! Kung concern ka talagang girlfriend ka, puntahan mo kaya!"


"Tsss. Ayaw ako'ng makita 'nun! Ni hindi nga sinasagot mga texts ko eh. 'Nung tinatawagan ko, laging out of coverage area. Nakapatay 'yung cellphone niya."


"Girl, pinagtampo mo kasi... Kahit ako, kung ako si Sep, magtatampo 'rin ako sa'yo 'no! Pinamukha mo kasi na mas matimbang si Gio kaysa sa kanya. Ang malala pa, sa harap ng maraming tao..."


"Hindi ko naman kasalanan ah! Bakit kasi nila ako pinilit pumili kung 'san ako sasama..."

How I Met My RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon