♠ Chapter ➀➄- The Enemy Lovers, Bagay! ♠

433 16 1
                                    

"Oo, tapos, yung teacher namin ng Economics, grabe! Ang lakas ng loob mag-alis ng sapatos, umaalingasaw yung amoy ng paa niya sa classroom, haha, eh naka-aircon pa man din!"

"Haha! Talaga?!! Marami ba'ng gwapo sa classroom niyo, Gio?"

"Hmm... Siyempre, mas gwapo ako." 

"Oo o hindi lang ang sagot, ito, epal kahit kelan!"

Nandito kami sa canteen ngayon, kumakain ng lunch. Nakikinig lang ako sa kanila.

"Baby Ash, huy! Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik ah!" Nicole

"Ha?!"

"'To naman, ngayon ka na nga lang namin makakasabay kumain, tapos ganyan ka pa! Tsk!" Denise

Bumalik na sa dating anyo si Gio.

"Bakit ganyan ka na Gio?!"

"Diba ito ang gusto mo? Eh di ibabalik ko si Eyor, para sayo! ^_^"

"Eeewww! Nerdy! Hahaha" Denise

Kunyari, nakikitawa na lang ako sa kanila. Ilang araw ko ng hindi nakikita ang 8 Spades, at wala ako'ng balak alamin kung asan sila. Parang.. ayoko munang pakialaman si Sep. 

*tatatata *tatatata

"Ash!"

*tatata *tatatata

"Ashley! Cellphone mo, tumutunog!"

How I Met My RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon