SweetDaffodil's Note: Waaaaah! Kinikilig ako! Tokneneng naman! As in pusang tokneneng talaga! Ako gumawa, binasa ko ulit, tapos kinilig??!! Parang timang lang! Hahaha -__- 'Kuuuuu!! Nababaliw nanaman po si SweetDaffodil, bow (_--_) Nyahaha! Sa chapter 40, yun talaga pinakadabest! Hehehe, abangan niyo yun Juliets.... Promise! Hehe, kasi tapos ko na! Hintay po ako ng comments niyo ha? Please! Make some noise naman! 'Wag maging silent reader! ^__^V Lels :3 Usap naman tayo ^__^
Pinaka-pinaka note: Play niyo yung media sa gilid pag medyo sensational na si Sep o di kaya si Ashley! Ah! Tama, si Ashley! Pag POV na ni Ashley, paki-play yung media! Yaaay! Para mas feel : ) [ANG GWAPO NI RENVEEEEERRR! HAHA! SIDEVIEW PA LANG! GANUN DIN SI PAPA SEP >3<]
(SweetDaffodil)
Alas-otso na ng gabi.... Bawat madaanan ng lalaking punung-puno ng galit ang pusong nagmamaneho ay nababalot ng kadiliman dulot ng kanyang nakakatakot at mabangis na aura. Kahit sobra siyang pagod sa byahe at sa mga stress na kinaharap niya nitong mga araw, hindi niya ininda iyon at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho ng kanyang motor. Nanginginig ang mga kamay nitong abala sa pagmamaneho. Gusto niyang kumitil ng buhay dahil sa galit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya, nadaya siya..
"Renver!!!!!!!!! Get out!!!!!!!!!" nagsisisigaw siyang pumasok sa isang abandonadong gusali. Isa iyong building, na 'di natapos sa pagkakagawa kaya iniwan ng ganun. Galit na galit siya, at parang gusto niyang ilibing si Renver ng buhay.
Nakatanggap siya ng tawag mula kay Ren matapos niyang malaman ang desisyong iyon ni Ashley mula sa kanyang mga kaibigan. Si Renver ang nag-imbita sa kanya sa lugar na ito, dahil akala niya ito ang kahinaan ni Sep. 'Dun naganap ang malagim na pangyayari sa ama nila ni Steffanie. 'Dun din mismo sila nagkahiwalay, at kung maaari, hindi na niya binabalak 'pang balikan iyon. Kung may kapangyarihan lang siya, sana'y matagal na niyang binura ang lugar na iyon sa mundong ito.
"RENVEEEEEERRRRR!!!!!" saka niya pinagtatadyakan ang mga upuan sa loob ng gusaling iyon.. 'Dun marahil ang hideout nina Renver at Gio, mga Morfi (Morning Phoenix).
Gumana ang sense ni Sep at naramdaman niyang may lumilipad patungo sa kanya sa likod. Hinarap niya ang kanyang likuran at nasalo ang bagay na iyon. Bote..... May nagbato sa kanya ng isang bote ng alak....
*Clap! *Clap! *Clap!
Napatingin siya sa may dakong kanluran ng gusaling iyon, at naroon si Renver, pumapalakpak.
"Its been a while! Hindi pa 'rin kumukupas ang galing mo Dark Cloud..."
BINABASA MO ANG
How I Met My Romeo
Action"Isa ako'ng high school student, masayahin, 'di mahilig sa girl stuffs. Simpleng ayos lang, okay na. Maton of the school ika nga nila. Pero isa ako'ng prinsesa (syempre, feeling-feeling lang), may dalawang kuyang prinsipe at parents na nasa abroad...