(Gio Heraldo)
Ang tagal naman niya. Malapit na nilang matapos 'tong pinapalitan ko'ng gulong ng kotse. Ash, nasan ka na ba? Nauubos na ang oras mo.. Nakasandal ako dito sa kotse, habang pinagmamasdan ko ang wristwatch ko.
Nakita ko na siya!
"Ashley!" winagaywayan ko siya ng kamay, pero nakahilamos ang mukha niya sa mga palad niya.
Palapit na siya ng palapit. Pakshet, umiiyak siya! At...... Sa hindi ko inaasahang pangyayari........ Bigla niya ako'ng niyakap...... Saka siya humilamos sa dibdib ko. Ramdam ko'ng sobra ang iyak niya.. Tinap ko lang ang balikat niya.
"Iiyak mo lang 'yan..." 'di ko alam kung bakit siya umiiyak.. May nangyari ba sa kanila ni Sep?
"Wala na..... Wala na kami Gio....." unti-unti niyang sabi. Nagulat ako, wala na sila, ka niya? Gusto ko'ng magtanong... Pero hindi ito yung tamang oras para paulanan ko siya ng tanong.. "Tara na...." yaya niya
"'San?"
"Kahit saan, basta malayo dito.. "
Pumasok na kami saka na umandar yung kotse. Pasasayahin ko siya ngayon, ayokong nakikita siyang ganyan.
"Kuya, sa playground."
"Playground? Okay ka lang?!!" gulat na tanong niya sakin, umiiyak pa rin siya.
"Eh ikaw, okay ka lang?" nag-iwas naman ng tingin si Ashley "Tara na kuya, kahit saang playground, may gustong magslide dito.." saka napatawa si Ashley "Uy tumawa siya!"
"Eh kasi naman eh! Kita mo'ng namomroblema ako, nagsasabi ka pa ng non-sense 'jan! Huweeeee!" para siyang batang umiyak. Grabe! Hindi ko ineexpect na madadala niya yung hobby na yun mula pagkabata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/16155136-288-k989316.jpg)
BINABASA MO ANG
How I Met My Romeo
Action"Isa ako'ng high school student, masayahin, 'di mahilig sa girl stuffs. Simpleng ayos lang, okay na. Maton of the school ika nga nila. Pero isa ako'ng prinsesa (syempre, feeling-feeling lang), may dalawang kuyang prinsipe at parents na nasa abroad...