"Okay ka lang?"
Napa-oo na lang ako, pero medyo masakit ang balikat ko dahil may nadaganan ako'ng bato.
"I---ikaw Kel? Okay ka lang?"
Tumango siya't bumangon na mula sa pagkakadagan sa akin.
"Sino namang tangang naglagay ng mini-anchor sa punong 'to?"
Muntik na ako! Mabuti na lang at nakita ni Kel na nahulog ito mula sa taas ng puno, kung hindi, malamang itinatakbo na ako sa ospital ngayon.
"Kel! Dugo!"
Hinawakan ko agad ang kanang kamay niya. Nasugatan ang likod ng palad niya. Pilit niyang hinihila ang kamay niya, sabay sabing:
"Okay lang ako. Daplis lang 'yan, sanay na ako."
Hindi ako mapanatag. Bakit kaya nakukuha pa niyang ngumiti kahit alam ko'ng mahapdi ang sugat niya?
Inalis ko ang panyong pinantali ko sa buhok saka ito itinali sa kamay niya.
"H--hindi mo naman kailangang gawin--"
"Utang ko ang buhay ko sa'yo kaya 'wag mo nang tanggihan ito." nang matapos kong higpitan ang panyo, "Ayan! Okay na! Linisan mo na lang ng first aid 'pag balik natin 'dun."
Ngumiti lang si Kel. Hindi na kami nagpatagal pa 'dun kaya nagkayayaan na kaming bumalik sa villa para malinisan na 'rin ang sugat niya.
Tapos na kaming lahat kumain ng gabihan. Nagkaroon kami ng kaunting salu-salo't jamming sa harap ng bonfire kasama ang 8 Spades. Tinanong ko sina Vet kung bumaba ba si Sep para kumain, hindi raw. Sinabihan nila ako'ng wag nang mag-alala dahil sanay na siyang hindi kumakain ng gabihan, pero concern talaga ako sa kanya. Baka magka-ulcer siya, ayokong mangyari yun!
"San ka pupunta?" Denise
"Ah, punta muna ako sa kwarto sa villa, idlip lang ako tapos gigising din ako mamaya."
"Babalik ka ha?", nagulat ako nang biglang hilain ni Kel ang kamay ko, hudyat ng muli kong pagkakaupo.
"Ang kulit mo, oo nga sabi eh!"
Ngumiti siya't pinakawalan na 'rin ang kamay ko. Parang bata 'yun! Feeling kiddo! >___<
Bago ako pumanhik sa likod ng kusina ng villa nina Sep, sinilip ko muna kung may nakatingin sa akin mula sa pwesto ng mga nasa bonfire--- Yes! Wala! Hindi na ako magtataka, dahil for sure, sa 8 Spades lang ang focus ng mga yun, sila naman palagi ang bida eh!
BINABASA MO ANG
How I Met My Romeo
Aksi"Isa ako'ng high school student, masayahin, 'di mahilig sa girl stuffs. Simpleng ayos lang, okay na. Maton of the school ika nga nila. Pero isa ako'ng prinsesa (syempre, feeling-feeling lang), may dalawang kuyang prinsipe at parents na nasa abroad...