(Kel Mimosa)
Its been 15 years....... Sa tinagal-tagal naming magbe-bestfriends,first time niyang ginawa 'to samin. He just violated our ultimate rule: 'A brother's fight is all brothers' fight'. Mabuti na lang, naabutan namin siya. Sa kaso niya, halatang nagpabugbog siya ng may rason. Kilala ko si Sep. Sa lakas niyang yun, matatalo siya ng mga ungas? Isa pa, kilala siya bilang 'Dark Cloud'. Wala pang talo yan, ngayon lang.
"Ehh! Seryoso na kasi! Gusto ko, sagutin mo rin ako ng seryoso Kel!"
I can feel her. She seems so serious. Kanina ko pa siya binibiro. I just wanna tease her, it makes me happy. Pagkalabas na pagkalabas niya ng room, pumasok na ang mga kaibigan ko, saka siya pinagtutukso. Tinanong pa nga ni Vet kung may nabuo na raw sila? Pakshet! Ang bilis naman, kung ganun? Umiral nanaman pagkamanyak ng lalaking 'yon!
"Eh, seryoso naman ako, Ms. may-nabuo-na-ba? Hahaha!"
*Pak!
Hinampas niya ako sa braso. Ayos lang, sanay na ako.
"'Eh! Naman kasi! Thank you talaga ng marami! Kundi ng dahil sa inyo, malamang, 50:50 na siya ngayon" bumakas nanaman ang lungkot sa mukha niya. Ayokong nakikita siya ng ganun.
"Ano ka ba? Bestfriend namin yun, kaya natural lang na tulungan namin siya. Bawat galaw o laban ng isa, para sa lahat! Kaya 'wag ka ng mag-inarte 'jan! Isa pa, masamang damo yun, mahirap mamatay."
Nag-angat siya ng tingin saka siya ngumiti ng bahagya. Kinurot niya ng pagkalakas-lakas ang pisngi ko.
"Aray!"
"Bad ka! Bestfriend ka niya, sinasabihan mo pa siya ng ganun. Haha, well, totoo naman! Hahaha! Bad grass ang 8 Spades >__<"
"Ha? Bad grass?" ano kaya yun?

BINABASA MO ANG
How I Met My Romeo
Acción"Isa ako'ng high school student, masayahin, 'di mahilig sa girl stuffs. Simpleng ayos lang, okay na. Maton of the school ika nga nila. Pero isa ako'ng prinsesa (syempre, feeling-feeling lang), may dalawang kuyang prinsipe at parents na nasa abroad...