♠ Chapter ➀ - Just Because of a Gray Shirt ♠

810 26 8
                                    

Monday nanaman... Two weeks from now, pasukan na naman pala. Haay, magjujunior high school na ako. Gusto ko na makagraduate, at ng makapag-college na ako. I'm too tired of this girly thingy! Magtu-two years na ako dito sa Firleton Academy, at totoo nga, wala pa rin ako'ng pinagbago. Ako pa rin ang old school maton of the town. Maluluwang na shirt at pantalon ang makikita mo sa cabinet ko. Sandugo brand ang slippers. At ang hair, lagi 'yang nakapusod. I just don't understand other girls, bakit natitiis nilang maglugay sa init ng panahon? Mabalik pala tayo sa topic. Ayun, since two weeks na lang ang natitira, kailangang enjoyin ng todo!

"Ashley! Sige na! Nagmamakaawa ako! Ikaw lang ang pag-asa namin! Sali ka na!"

"Oo nga,hustler! 'Geh na! Pumayag ka na!"

"Isipin mo na lang, ikaw ang precious gem namin sa tournament!"

Iyan, iyan na nga ba ang sinasabi ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinatantanan ng mga lalaking 'to sa Dota. Matagal na ako'ng tumigil sa paglalaro. Actually, 'di naman ako regular player ng Dota. Naglalaro lang ako 'pag walang oras. Killing time lang?! 

"Jay, alam mo naman na hindi naman ako player nyan! At tsaka, tantanan niyo na nga ako! O eto, gusto niyo ibigay ko na lang sa inyo 'tong account ko?"

"Walang silbi yan, kahit ibigay mo samin! Iba kasi ang galing mo! Hindi ko alam kung pano mo ginagawa."

"Dun na nga, dun! Dun! Mabuti't nandito lang kayo sa gate at hindi kayo pinapasok ni Manang Melly sa bahay mismo! Mahihirapan pa ako'ng magpalabas sa inyo."

"Please, please Ash!"

"Tse! Alis na! Ash ka 'jan?! Unggoy! Di naman tayo close! Ashley pangalan ko!"

Umalis na ako at iniwan sila kay Manang Melly. Haaay! Mga dota players nga naman oh. Speaking of dota nga pala... Matagal na rin ako'ng hindi naglalaro. Tsk! Nakaka-adik kasi! Sobra!!! Kaya naiintindihan ko yung ibang lalaki na may girlfriend. Tiningnan ko ang oras, 10:00 A.M. pa lang pala. Napagdesisyunan ko'ng maglaro muna ng dota sa kwarto nang biglang bumukas ang pintuan sa kwarto.....

"Anak ng tokwa?!! Hindi ka ba marunong kumatok kuya?!"

How I Met My RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon