(Ashley Quintilla)
Grabe! Busog na busog ako! Naka-ilang cups ako ng rice? Lima yata! >_< Haay! Kakabagin yata ako... mag-e-eight na nung makauwi kami. At syempre, si Sep ang naghatid sakin ^_^
"We're here." ka niya... Urrggh! Nakakainis naman! Ang bilis ng oras! Maghihiwalay nanaman kami! Hmmp! Bye bye nanaman : ( Sana kasi wala na lang gabi, puro araw na lang, para lagi ko siyang kasama! >_< Ang hard eh! Sarap na sarap na nga akong nakasandag sa likod ni Sep, tapos nasa bahay na pala kami..
"Ah... Hehe. Oo nga 'no..." sabay bangon mula sa likod niya. Bumaba na ako. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa bag sa harap ko. Bye bye na muna ba Sep? : ( Parang ayoko... Haha. OA na 'to! Magkikita rin naman tayo bukas eh... " Hehe. Sige Sep ha.. Thank you for today.. Sobra sobra moko'ng pinasaya..." sincere ako, kasi totoong masaya ako... Walang kapantay...
Tumalikod nako, kasi baka diko pa siya maiwan..
"Ashley..."
"Oh?" ang bilis ko'ng humarap eh... Eh!!! Kasi naman ayoko muna siyang umalis...
Nag-shook siya ng head, sabay yuko... Alam ko na... Nagmamadali na yata siya eh.. Hehe.. "Ah.. Thank you nga pala dito sa helmet... 'Di ko ineexpect na sakin mo pala ibibigay... Hehe.. Sige ulit..." promise, papasok na talaga ako..
"5 minutes more........ Pwede pa ba?........." sabi ng papasok nako eh! Kakulit ko rin! Hinarap ko ulit siya, nakayuko na siya. Nilapitan ko siya.. Nung nag-angat na siya ng tingin, nag-nod ako then I smiled. Nag-respond naman siya sa smile ko.
"Can you...............................................................Hug me???" sabi niya. Yung maputi niyang mukha, litaw na litaw sa ilalim ng posteng may ilaw na mala-kulay Orange. Ang gwapo niya talaga!
Eeeee! Yung totoo?!!! Tinatanong pa ba 'yan?? Syempre oo naman! >__< Ngumiti ako saka nagsway-sway yung katawan ko habang kinakagat ko yung nails ko..... In love nanaman ba ako??
"Sakay na..." saka niya inistart yung motor. Sakay? Kala ko ba, hug?? >__<
BINABASA MO ANG
How I Met My Romeo
Action"Isa ako'ng high school student, masayahin, 'di mahilig sa girl stuffs. Simpleng ayos lang, okay na. Maton of the school ika nga nila. Pero isa ako'ng prinsesa (syempre, feeling-feeling lang), may dalawang kuyang prinsipe at parents na nasa abroad...