♠ Chapter ➉- The Kill Joy ♠

392 16 6
                                    

                                                            (Lou Sarte)

"Yeah, yung Blue Rose na lang po, magkano po?"

Okay lang kaya 'tong roses? Sana tanggapin niya. Blue. Blue ang ibibigay ko kasi sinisymbolize siya ng kulay na ito. Maganda and at the same time matapang. Boom panes! Ang korni! Pero, ang tanong, paano ko kaya ito ibibigay? Handa na ba ako? Kaya ko na ba'ng pumasok sa isang relationship? Sa tingin ko, oo na eh! Sa kanya ko lang nakita ang future ko, chosero! Last ko na 'to!

"Ah, pakilagyan na lang din ho ng chocolate. Yung kahit ano na 'ho, yung pinakamahal!"

"Iho, magtatapat ka ba?"

"Ho?"

"Magtatapat ka na ba na may gusto ko sa kanya?"

"Ah.... Hmmm."

"'Wag mo'ng sabihing hindi. Kitang kita sa kinikilos mo! 'Wag kang kabahan, sabihin mo lang ang lahat ng gusto mo'ng sabihin sa kanya"

"Hindi po sa-"

"In denial ka pa bata! Nagdaan na ako 'jan! Kitang kita ko nga 'yung sarili ko sayo! Pero, siyempre naman, mas gwapo ako! Hahaha!"

Sana nga... Sana nga magustuhan niya. First time ko'ng magbigay ng bulaklak. Hindi ko kasi style 'to. Of all my ex girlfriends, ni isa wala pa ako'ng binigyan, kahit Sampaguita lang. Para kasing.... Ang baduy!

                                                             (Kel Mimosa)

So that guy took my dare.. Its funny! Kaya niyang ipagpalit ang position sana ni Steffanie kay Ashley. Is he crazy? O talagang gusto nga niya si Ashley?

"Those roses. Give them to Sep."

How I Met My RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon