(Ashley Quintilla)
"Tapos ka na?"
Yes! Makakaligo na 'rin ako sa wakas! Nakangiting tiningnan ako ng kapwa ko estudyanteng kaliligo lang sa CR ng villa namin.
"Ay, may pila Ashley."
Halos malglag ang panga ko nang makitang nakapila ang kanya-kanyang twalya sa tapat ng CR. Grabe! Kailan pa ako makakaligo nito? Baka nga naliligo pa lang ako, iiwan na ako ng bangka!
"Ang tagal mo kasi girl! 'San ka ba kasi nanggaling, ha?"
"May niluto lang po ako."
"Asus! Nagluto 'raw! Kailan pa nagkaroon ng shower sa loob ng kusina, ha?"
Nung una, hindi ko nagets, pero nung napagtanto ko'ng basa nga pala ang buhok ko--oh my shems!
"O, tingnan mo, halos malaglag na mga mata mo 'jan! Haha! 'Wag ka masyado pahalata girl! Alam ko namang naligo kayo ni papalabs mo sa--"
"Hoy Den! Manahimik ka nga! Kung ano man ang iniisip mo, baliw ka na! Hindi ganun 'yun!"
"Oy, defensive ang lola! O sige na, kunyari, hindi ko nakitang basa ang buhok mo! Haha!"
"Den kasi! Isa!"
"Ano'ng PUTAHE naman ang NILUTO mo sa kusinang may SHOWER? Hahaha! 'Di mo man lang ako binigyan bruha!"
"Sa dami ba naman ng kinain mo'ng BANGUS ni KEL kagabi, siguro naman busog ka na, kaya ba't pa kita bibigyan? Hay naku! Ewan ko sa'yo! Kung anu-ano nanaman ang iniisip mo 'jan!"
"Asuuus! Nagtatampo ka ba, ha? Dahil si Kel ang pinili ko? Achichingching!"
"Excuse me?"
"Hay nako! Pustahan tayo, maiiwan ka mamaya! Hahaha!"
"Porke ba nakaligo ka na, ganyan ka na Den?"
"Hahaha! Ikaw kasi, dinaig mo pa ang pagong sa sobrang bagal mo'ng kumilos."
"O siya! Mag-ayos ka na nga! Pipila na lang ako. Alis na!"
Bestfriend ko ba talaga 'yun o dakilang bully ng buhay ko? Grabe eh! Grabe siya!
Hot Fudge cupcake!!! Yung niluto ko sa kusina nina Sep! Lagot na---- hindi naman siguro magkakaroon ng sunog 'no? Bruhang Ashley! Ang t*nga ko talaga kahit kailan! T_T

BINABASA MO ANG
How I Met My Romeo
Acción"Isa ako'ng high school student, masayahin, 'di mahilig sa girl stuffs. Simpleng ayos lang, okay na. Maton of the school ika nga nila. Pero isa ako'ng prinsesa (syempre, feeling-feeling lang), may dalawang kuyang prinsipe at parents na nasa abroad...