Nananaginip ba ako? O sadyang mabilis lang talaga ang araw? Friday nanaman pala. =_=
"Good morning!"
"Hello! Kamusta?"
Kanya-kanya ng bati ang mga tulad ko'ng estudyante. Corridor pa lang, napakarami ng students. Late yata ako ngayon? Nagtungo ako sa locker area sa may dulo ng corridor upang kunin ang pares ng medyas ko. Ilang minuto lang ang lumipas, nagkaroon ng komosyon. Malamang, gumagaya nanaman ang 8 Spades sa F4! Haaay, di ko akalaing totoo pala ang f4-f4 thingy na yan, may ganun pala sa totoong buhay. Mula dito, tanaw na tanaw ko ang 8 Spades sa entrance ng school, pero wait, may bago nanaman ba'ng biktima?
"Mr. Sep! Hello, good morning. I'm Jane, from section II of Dereck building, actually, uhmmm.... Oh my God! I can't say it.... I.... I love you!" napapikit yung dalaga sa pagkakasabi niya ng I love you kay Sep.
Mas lalo pa'ng lumakas ang bulungan, number one na tumatalak ay tiyak member ng Aces of Spades. Inabot nung babae ang balloons at flowers na dala niya, may scrap book pa yata siyang ginawa para kay Sep, ang cute, ang ganda nung scrap book!
Sep turned to the girl, accepted the presents and grinned. Ano nanaman ba balak ng halimaw na yan?
"Woaaaah! Swertehin kaya ang babaeng yan? Hay nako, wag na tayong umasa! Leader pa man din ng club natin tapos ganyan, demote na yan!" isang member ng Aces of Spades.
As expected, biktima nga nanaman ang babaeng ito. Pagkareceive niya nung presents, nginitian pa talaga niya yung babae at sinabing:
"Are you fool? Dumb? Can't you get it? Psss. I'm pissed! Sorry, I'm not interested with you!" he turned to the trash can beside him and threw all her presents.
Nagpagpag pa talaga siya ng kamay sa harap nung babae. Hindi na talaga ako nakapagtimpi, sobra na siya. Tumakbo ako sa labas ng building namin at naki-eksena.
"Hoy! Hindi pa ba sapat yung kahapon? Sumusobra ka na ah!"
Nagbanat siya ng buto at lumingon sa 'kin.
BINABASA MO ANG
How I Met My Romeo
Action"Isa ako'ng high school student, masayahin, 'di mahilig sa girl stuffs. Simpleng ayos lang, okay na. Maton of the school ika nga nila. Pero isa ako'ng prinsesa (syempre, feeling-feeling lang), may dalawang kuyang prinsipe at parents na nasa abroad...