PROLOGUE

65 7 2
                                    

"Hi I'm aubre-----" magpapakilala sana ako sa harap ng klase kaso lang may nagbato sa'kin ng balat ng saging.

Tumama sa mukha ko at bigla nalang nagtawanan ang lahat.

Ganito ba sila magwelcome ng estudyante? Kung alam ko lang hindi na sana ako nagpantasya makapasok sa school na 'to.

Mga hinayupak sila.

Pinagpatuloy ko lang ang pagpapakilala.

"Hi I'm Aubrey Ghaile Sanchez, nice to meet you all" sabi ko sabay upo sa may bakanteng upuan.

Nakita ko sila na ang gugulo nila, may nagaaway, may nagpupustahan, may mga nagmamake up at kung ano ano pa.

Tama ba na dito ako pumasok? Section 1 ba ito? Bakit ganito sila?

Kung alam ko lang na ganito ang babagsakan ko hindi ko na sinayang ang effort ko na magapply ng scholarship.

Nagulat ako ng may biglang bumuhos sakin

Anak ng.......... ano ba ito?!

Nakita ko na namumiti ang uniform at katawan ko.

Harina ba ito?

Pagtapos nila akong buhusan ng harina aalis na dapat ako para linisin ang uniform ko ng bigla na lamang nila akong batuhin ng itlog.

Lahat sila binabato nila ako, masakit yung itlog tumatama sakin.

Ganito ba sila magwelcome ng studyante at nambubully sila?

Rinig ko ang tawanan, hiyawan at kung ano-ano pang mga sinasabi nila.

Nang matigil na ang pagbato nila sakin ng itlog, tumakbo ako palabas nakasalubong ko yung teacher sana namin na papasok na ng room.

Pero di ko sya pinansin.

Nangilid ang luha saking mga mata.

Bakit ba kasi ang taas ng pangarap ko? Ito pa talagang school na 'to ang napili ko hayst......

May nakita akong isang daan kung saan pwede ako magstay at mag labas ng sama ng loob.

Sa rooftop ng school umakyat ako sa hagdan at binuksan ang pinto.

Bumungad sakin ang liwanag ng araw at mabuti nalang walang tao.

Kaya pumunta ako sa gitna at doon ako nagsisisigaw doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko.

Simula ng mamatay ang mga magulang ko ay napunta ako kay tita mabait naman sya sa'kin pero hindi ko maiwasan na mangulila sa mga magulang ko, pinangarap ko makapasok dito sa Irish university kaya nag apply ako ng scholarship at ako ang nag top-notch sa test na ibinigay nila kaya inilagay ako sa mataas na section.

Pero di ko akalain na first day palang susuko na ako.

Dapat hindi ako sumuko dahil pinangarap ko 'to.

Naglabas lang ako ng sama ng loob sigaw dito, sigaw doon hanggang sa mapaos ako.

"Ang ingay mo naman kanina pa ako naririndi sa kaingayan mo!" Galit na sabi ng lalaking kukusot-kusot pa sa mga mata nya.

"Bakit may nakapaskil ba dito na bawal magingay?" Pabalang na tanong ko sa kanya.

"May natutulog dito hindi ka ba aware doon?!" Galit na tanong nya.

"Eh bakit ka natutulog dito? rooftop 'to hindi kwarto" sabi ko.

"Teka transferee ka ba?" Tanong nya.

"Ano naman sayo kung transferee ako?" Basag ko sa kanya.

"Kaya pala ganyan ang ayos mo" sabi nya sabay tawa.

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now