Chapter 5:Girlfriend
Nakakabagot naman ang araw na 'to dahil absent si Trixie.
At walang paki-alam ang katabi ko sa mga nangyayari. Aish...
Bored na tumingin si ryle sa'kin habang may subo-subong lollipop.
Sinamaan ko lang sya ng tingin.
Napatingin din ako sa gawi kung Nasan sila Roxanne feeling ko pinapatay na nila ako sa isip nila.
Ang haba ng hair ko hahaha kidding aside tho.
Nagulat ako ng may biglang sumigaw sa labas.
"Abby?" Sambit nya sa pangalan ko.
Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Himala naisipan nya akong dalawin, sa pagkakatanda ko hindi ko naman sinabi kung anong section ako paano nya nalaman?
Tumayo ako para puntahan sya pero may bigla nalang humigit sa'kin napaupo ulit ako.
Aray ang sakit ng balakang ko napalakas yata ang pagbagsak ko.
Lumingon ako sa kanya nakatingin sya sa'kin.
"Bakit?" Tanong ko.
"San ka pupunta?" Tanong ni Ryle.
Ngumuso ako kay Keith na nag-aantay sa labas.
"Kilala mo ba yun?" Tanong nya.
"Sa tingin mo pupuntahan ko kung hindi ko kilala" sabi ko.
Tumayo na ako pagkatapos nun at dumaretso nalang sa pinto at hinarap ko si Keith.
"Oh bakit ka nandito? Paano mo nalaman kung anong section ko?" Tanong ko sa kanya.
"Uso naman magtanong " bored na sagot nito sa'kin.
Sabagay bakit ba kasi di ko naisip agad yun.
Nagulat nalang ako ng may umakbay sa'kin.
Shocks ang bigat ng braso parang may pasan akong isang kilong gulay!
Sino ang mokong na 'to ang lakas ng loob nyang akbayan ako ha!
Napatingin ako sa tanong umakbay sa'kin.
Nakita ko si...
Si elixir? Bakit naman nya ako aakbayan? Kailan pa kami naging close? Kailan pa kami naging magtropa para akbayan nya ako?
"Anong ginagawa mo dito at bakit mo kinakausap mo ang girlfriend ko?" Sabi nya kay Keith.
Girlfriend really? Kailan pa? Hindi ako nainform ha!
"Girlfriend pwede ba hindi mo ako girlfriend" iritableng sabi ko sa kanya sabay inalis ang pagkakaakbay nya.
"Paano ba yan elixir hindi mo naman pala girlfriend si Abby eh" sabi ni Keith sabay ngisi.
"Gusto mo ba patunayan kong akin sya" Sabi ni elixir.
"Patunayan mo nga?" Hamon ni Keith sa kanya.
Magkakilala pala sila bakit parang kung makapagtitigan sila parang may kuryente sa gitna.
Hinapit ako ni elixir sakanya at akmang hahalikan nya ako.
Pero nahigit ako ni ryle papunta sa kanya.
Sumobsob ako sa dibdib nya.
Wow ang tigas naman nito. Just kidding haha!
"Huwag nyo nga hinaharass yung girlfriend ko" sabi nito.
Girlfriend naman ako ni ryle ngayon sino pa gusto? Sino pa? tumatanggap ako ng free oppa dito!
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
General FictionThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...