CHAPTER 2

41 6 0
                                    

Chapter 2: Faint

Nag-umpisa na ang klase pero hindi ako makapag-concentrate dahil dito sa katabi ko.

Paano ba naman kanina pa sya nakatingin sa'kin.

Kuya huwag kang ganyan matutunaw ako!

"Umayos ka nga tumingin ka doon sa harap" bulong na sabi ko kay ryle.

"Ayoko" bored na sagot nya.

Sana pala hindi na ako nagpakilala dito sa mokong na 'to hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa nagtuturo sa harap.

Kyah nemen keshe eh natetenaw nge eke.

Hinayaan ko nalang na ganun ang scenario naming dalawa.

Hanggang sa...

Bell rings*

Malakas na tunog ng bell hudyat na break time na.

Pero itong katabi ko masasapak ko na 'to eh kanina pa sya titig na titig sa' kin.

"Ano bang-----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nya akong halikan!

Tinulak ko sya pero mas lalo nya lang ako idiniin sa kanya at hinawakan nya ako sa batok para lalo pang mapalapit sa kanya.

Nakaramdam ako ng hapdi mula sa mga labi ko ng maharas nyang kagatin ito dahil doon nalalasahan ko na yung dugo.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon tinulak ko sya ng malakas at sinampal!

"Manyakis ka talaga!" Galit na sigaw ko sabay takbo palabas.

Pero bakit ganito bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ano ba itong nararamdaman ko bakit parang hindi yata tama na maramdaman ko 'to!

Bakit ba kasi naisipan ko pang tanggapin ang pagpapakilala nya Ayan tuloy!

Habang hinihilamusan ang mukha sa sink ng CR nakita ko na bakas sa mga labi ko ang pamumula at kaunting sugat dahil sa ginawa ni Ryle! Hayst... Ang hapdi nya tsk.

Kasalanan to ng manyakis na yun eh!

Hinugasan ko ng tubig ang labi ko at inilabas ang panyo ko para punasan.

Pagtapos ko sa banyo lumabas agad  ako para makabalik na sa room, actually ayoko nga bumalik kasi ayaw ko sya makita pero anong magagawa ko may klase kami! Kainis talaga!

Malayo pa lang tanaw ko na ang isang grupo ng kababaihan sa tapat ng room namin.

"Ayan na sya Roxanne" sabi nung isang babae dun sa Isa pang babae.

Sinugod na lamang ako habang hinawakan naman ako ng mga alipores nya di na ako nakapalag lahat sa mga sabunot at sampal na inabot ko sa kanya.

Pero laking gulat ko ng bigla na lamang nya ako kinwelyuhan at kasabay nun ang paghatak sa uniform ko na ikinatanggal ng ilang butones nito.

Nang mangyari yun sumilip ang dapat hindi makita!

Hindi pa din sya tumitigil sa pagsabunot at pag sampal sa'kin.

Hawak ako ng mga alipores nya kaya hindi ako makalaban!

"You slut how dare you to kiss him! Wala kang karapatan na halikan si Ryle!" Sabi nito.

"Ano bang kasalanan ko?" Tanong ko wala naman kasi akong kasalanan si Ryle Kaya may gawa nun!

"So nagmamaang-maangan ka pa di mo pa talaga aaminin ang ginawa mo" Sabi nito.

Magtatanong ba ako kung alam ko? Duh!

"Hinalikan mo si Ryle!" Inis na sabi nya.

At sabay sinampal ako ng malakas.

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now