Chapter 27:reverse amnesia
A/N:tinawag kong reverse amnesia ang nangyari kay aubrey este kay princess kung saan Naalala nya ang iilang parte ng nakaraan pero hindi nya Naalala ang Kasalukuyan
Nabura sa alaala nya ang mga alaala nila ni ryle samantalang nagbalik naman ang mga alaala nila ni elixir
Question:what if do you remember the past but not the present ?
Paano na ?
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Kasalukuyan nandito parin ako sa hospital at mga hindi pamilyar na tao ang nagbabantay sakinHindi ko alam kung nasan ba sila elixir at trixie saan ba kasi sila pumunta?
"Ah pwede po magtanong saan po pumunta si elixir at trixie?" Tanong ko dun sa dalawang nagbabantay sakin
"Hindi mo ba talaga kami natatandaan ?" Tanong sakin nung lalaki
"Hindi po talaga eh Pasensya na po" sabi ko
"Ako to si kuya Jameson mo at ito ang tita mo na mama ko na si mama Josie" sabi nito
"Hindi po talaga eh hindi ko po talaga kayo matandaan" sabi ko
Baka siguro sila yung nakapulot sakin at dinala ako dito
Salamat at may nagmalasakit sakin kahit papaano
Bigla naman may pumasok na doktor sa pinto
Ito na po ang result ng mga test sa kanya
Test? Bakit? Wala naman akong sakit ha?
Nagulat ako ng bigla akong lapitan ng doktor at kung ano ano ang ginawa sakin
Napatingin naman ako sa nagbabantay sakin na
Umiiyak sila parehas bakit kaya?
Ano bang laman ng test na yun na ipinakita niya sa mga nagbabantay sakin
Lumabas na ang doktor pagtapos ng ginawa nya Sakin
Ang dami nyang ginawa tapos aalis lang pala din sya
Nanatili akong nacucurious dahil iyak pa rin ng iyak yung mga nagbabantay sakin
Bakit ba kasi sila umiiyak
Mga ilang minuto ang lumipas may dali daling nagpihit ng pinto
Iniluwal nito ang dalawang taong pamilyar sakin
Si mom and dad
"Mommy daddy" Tawag ko sabay gulo ng nagbabadyang luha saking mga mata
"Anak princess " sabi nila at sabay na lumapit Sakin at niyakap ako
Niyakap ko din sila ng mahigpit na miss ko sila sobra sobrang miss na miss ko sila
Matapos nun ay kumalas na sila sa pagkakayakap sakin
"Okay ka lang ba anak?" May pagaalalang tanong sakin ni mommy sabay himas sa ulo ko
Tumango nalang ako tanda ng pagsang ayon
Narinig ko naman si dad na kinakausap yung mga nagbabantay sakin
"Kayo po ba ang mga nakakita kay princess" sabi ni daddy sa kanila
"Hindi po yung kapatid ko po" sabi nung matandang babae
So bakit sila ang nandito?
"Ah ganun po ba baka po pwede ko syang makita para personal ko po syang mapasalamatan sa pagaalaga sa anak namin" sabi ni daddy dun sa matandang babae
"Ah wala na po sya patay na po sila nung asawa nya at sakin po nila ibinilin ang anak nyo" paliwanag nung matandang babae
Ah kaya pala pagaalaga? Feeling ko talaga matagal na akong nandito eh
"Ah ganun po ba salamat po sa pagaalaga sa anak namin kung may maiitutulong po kami huwag po kayo mahiyang magsabi" sabi ni daddy sa matandang babae
"Hindi na po salamat na lang napamahal na din naman po siya samin" sabi nung lalaking kanina pa umiiyak
Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin
Nakita ko na sobrang lungkot ng mata nya at ang tamlay pa
Kung napamahal na ako sa kanila so ibig sabihin may memories din ako na kasama sila
Pero bakit hindi ko matandaan?
Bakit parang wala akong matandaan na tungkol sa kanila?
"Basta po pag may kailangan po kayo nandito lang po kami eto po ang calling card ko tawagan nyo lang po ako"sabi ni daddy sa kanila
Tumango naman ang matandang babae at iniabot kay daddy ang result na binigay ng doktor
" eto po ang resulta ng mga test na ginawa po sa kanya"sabi nung matandang babae
Kinuha naman ni daddy yun at sabay na lumabas ang matandang babae at yung lalaking kasama nya
Pero pag dating sa pinto lumingon sila sakin
Nagtama ang mga mata namin
Bakit parang may kirot sa puso ko ?
Bakit nasasaktan akong makita silang ganyan?
Agad na binuksan ni daddy ang test na ibinigay sa kanya nung matandang babae
Binasa nya ito ng maigi at ipinakita kay mommy
Na shocked si mommy ng makita nya ang resulta
Pero agad naman napawi yung shocking moment na yun ng pumasok ang isang pamilyar na mukha sakin
"Elixir" sabi ko
"Oh nandito ba pala kayo Mr and Mrs garcia" sabi nya kay mom and dad
"Bakit ngayon mo lang sinabi na buhay ang anak namin?" Tanong ni daddy sa kanya
"Ngayon ko lang din po nalaman dahil nagkaamnesia sya" sabi ni elixir kay dad
Ano? Nagkaamnesia ako ?pero bakit wala akong natatandaan na ibang memories bukod sa nangyari samin ni elixir
"Halos limang taon namin pinaniwala na wala na si princess !" Galit na sabi ni dad kay elixir
"Kahit ako din po Mr garcia inakala kong hindi na sya makakabalik pa pero eto si princess buhay sya" sabi ni elixir kay dad
Hay ang lalaking to sya lang ang nakakasagot kay dad ng ganyan kaya siguro nahulog ang loob ko sa kanya eh
"Iuuwi na namin si princess" sabi ni dad
"Sabi po ng doktor may ilang test pa po ang gagawin sa kanya" sabi ni elixir
"Pero na sakin na ang resulta ng test na ginawa nila kay princess baka pwede na syang I discharge" sabi ni dad
"Pwede po ba makita ang mga test result?" Tanong ni elixir kay dad
Marahan naman iniabot ni dad ang result kay elixir
Habang binubuksan nya ito ay nakatingin sya sakin
Nang mailabas nya na ang mga resulta
Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkagulat
At napatakip pa sya sa kanyang bibig
Ano ba kasing laman nun at bakit gulat na gulat sila masyado?
Napatingin ako kay elixir na gulat na gulat
"Meron syang reverse amnesia?" Gulat na tanong ni elixir
Reverse amnesia ngayon ko lang narinig yun ha
Hindi ko alam hindi ako pamilyar sa reverse pero sa amnesia oo
Anong epekto sakin nun?
Bakit parang ang laki ng epekto sa kanila ng malaman nilang may reverse amnesia ako?
Ano bang meron? Ano bang nangyayari?
Ano ang reverse amnesia?
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
General FictionThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...