Chapter 34:goodbye
Matapos ng nangyari kanina hindi ko alam kung paano ko papasalamatan si ryle sa ginawa nyang pagliligtas sakin
Kasalukuyan akong nandito sa tabing dagat nakaupo sa isang kahoy at may bonfire na nagsisilbing ilaw ngayong gabi
Hindi ko pa din lubos maisip na nangyari ang bagay na yun sakin
Habang nagmumuni muni napagpasyahan kong kumuha ng kahoy at isulat ang pangalan ko sa sand
Nagulat naman ako ng may nagsulat ng heart sa tabi ng pangalan ko at isinulat ang pangalan nya
Napatingin naman ako sa nagawa nya pagtapos nun
Princess michaella garcia❤Kevin ryle alcantara
Parang bata kung titignan pero iba ang naramdaman ko ng makita yun
Agad naman na napatingin ako kay ryle na nasa tabi ko na pala
Nakita ko ang isang kunot noong lalaki na nakaupo sa tabi ko
Natawa ako ng makita ang mukha nya
Para syang bata na naagawan ng kendi
"Thankyou ryle sa pagliligtas sakin" sabi ko sa kanya
Nagbago ang ekspresyon ng mukha nya ng sabihin ko yun
"Lagi mong tatandaan na nandito lang ako lagi sa tabi mo hinding hindi kita iiwan" sabi nya sakin
Tumulo naman ang nagbabadyang luha sa mga mata ko
Nasasaktan ko na naman sya
Nagiging makasarili na naman ako
Hinaplos ni ryle ang mukha ko at pinunasan nya ang luha ko gamit ang hinlalaki nya
"Umiyak ka lang hanggang sa mawala ang nararamdaman mong sakit ayokong nakikita kang malungkot lagi gusto ko makita yung masayang princess yung walang problema " sabi nya sakin
Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko na animoy gripo
"Sana pagtapos ng pagiyak mo maging masaya ka na kung sa tingin mo naguguluhan ka sa mga pangyayari Handa akong bigyan ka ng oras para makapagisip" sabi nya
Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng sabihin nya yan
Bakit ryle? Anong binabalak mo?
"Princess sa tingin ko kung patuloy akong didikit sayo lalo ka lang mahihirapan ayokong mahirapan kaya kahit masakit I want to say goodbye" sabi nya habang tumutulo ang luha sa mga mata nya
Bakit kailangan nya magpaalam ng ganito ?
"No ryle oo naguguluhan ako pero hindi mo kailangang umalis " sabi ko sa kanya
"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at lagi akong nandyan kapag kailangan mo ako sa ngayon kailangan ko muna siguro magpaalam sayo" sabi nya at tumayo
"Ryle huwag mong gawin to hindi mo kailangang gawin to Handa akong mahirapan huwag ka lang umalis" sabi ko sa kanya
Hindi na sya nagabalang sumagot at inalis ang kamay ko na hawak hawak ang kamay nya
Unti -unti naman dinudurog ang puso ko habang nakikita syang palayo sakin
Parang may kung anong paulit ulit na tumutusok sa puso ko habang pinapanood ang pag-alis nya
Bakit ryle lalo lang akong mahihirapan kung patuloy mong gagawin to
Naiwan akong tulala at magisa sa tabing dagat
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
Ficción GeneralThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...