CHAPTER 19

21 5 0
                                    

Chapter 19: the half brother and the gang 

Ang laki naman ng bahay na to kanino kaya itong bahay na to?

Nagdoorbell si ryle sa gate

Matapos nun ay pinagbuksan na kami ng isang babae

Nakapangmaid na uniform sya

"Oh sir ryle ?" Sabi nya

At nagulat sya ng napatingin sya sakin

Bakit sya parang gulat na gulat

"Ah mam princess akala ko po-----"

"Ah ate hindi sya si princess si Aubrey po sya nandyan ba si kuya?" Tanong ni ryle sa kanya

"Opo sir ryle nandyan po sa loob sa kay tambayan nyo nandun din po si sir archimedes at si sir kurt" sabi nito samin ni ryle

"Ah sige ate salamat" sabi ni ryle at pumasok na kami

Kuya? Sinong kuya nya?

Napatakip ako sa aking bibig ng may mabuo sa aking isipan

"Oh!okay ka lang ba siomai ko?" Sabi ni ryle sakin

"Ayos lang ako huwag mo akong intindihin siomai ko" sabi ko sa kanya

Sa sobrang laki ng bahay ang dami naming pasikot sikot

Ilang minuto ang nakalipas at may tinapatan kaming pintuan

Engrande yung pinto

Pagbukas namin tumambad sakin ang isang........

Malaking arcade? Oh malaking bar?

Lahat sila napatigil ng makita nila ako

Merong naglalaro ng PlayStation at may naglalaro ng billiard at may umiinom sa parang bar section

"Hoy elixir buhay pa pala ang ugok mong kapatid akala ko sumama na kay teka lang akala ko ba patay na si princess? Eh sino yung kasama nya?" Sabi nung lalaking nasa PlayStation

Nabaling ang mata ko sa lalaking umiinom sa may bar section

Nakapolong puti at nakapants na maroon magulo ang buhok at nilalaro ang hawak nyang baso na may lamang wine

Elixir anong nangyari sayo?

Naguguluhan na ako hindi ko alam kung ano ba tong pinasok ko

"Tara siomai ko ipapakilala kita sa kanila" sabi ni ryle sakin

Nag nod nalang ako sa kanya at sumunod

Nagtama ang mga mata namin ni elixir

Bigla nalang nyang nilapag ang baso at mabilis na pumunta sakin

Mabilis nya akong niyakap na para bang wala nang bukas sa sobrang higpit

"One two three" sabi ni ryle tapos hinigit nya na ako

"Tama na ang tatlong segundo para sa yakap" sabi ni ryle

"Wohoooowww!!!! Hanggang ngayon ba isang babae parin ang nagustuhan nyo" sabi nung lalaking nasa billiard

"Hindi lang isang babae archimedes isang mukha pa sila" sabi nung lalaking nasa PlayStation

"Mga kupal" sabi ni ryle

"Gusto ko makilala nyo ang siomai ko si aubrey ghaile sanchez " dugtong ni ryle

"Nice to meet you aubrey by the way I'm Kurt Bryan Evans" pakilala nya sabay about ng kamay

Kinamayan ko sya at akmang hahalikan nya ang kamay ko ng may biglang tumutok na baril sa ulo nya

"Subukan mo papasabugin ko yang ulo mo" sabi ni ryle habang may hawak na baril

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now