Chapter 20:ability
Para akong nasa museum ng mga robot at mga military toys
Paano ba naman napapalibutan ang kwarto ni ryle ng transformer at mga maliliit na tanke at soldiers
Pero may nakaagaw ng pansin ko
Ang kama nya na camouflage
Ang ganda grabe meron din syang flat screen TV at kung ano ano pa
"Siomai ko kanino ang lahat ng robot na to" pagtataka kong tanong sa kanya
"Sakin bata palang ako mahilig na ako sa robot collection ko yan" sabi nya
"Yung tungkol pala sa inyo ni elixir paano nangyari?"tanong ko sa kanya
" halika umupo muna tayo at ikekwento ko sayo kung paano nangyari"sabi nya
Kaya naman sumama ako sa kanya at umupo kami sa kama
Hinawakan nya ang kamay ko at kiniss ako sa forehead
"Magkapatid kami sa ama abby ginamit lang ni kuya ang surname ng mommy nya dahil kasal si mommy kay daddy samantalang bunga lang ng kataksilan nila si kuya pero kahit ganun yung nangyari still magkapatid pa din kami" paliwanag nya
"Ah eh bakit hindi nyo pinaalam sa mga kaklase natin na magkapatid pala kayo?" Tanong ko kay ryle
"Si kuya ang may ayaw hindi ko alam kung bakit pero ayaw nya eh kaya mas mabuti na din siguro" sabi nya
Unti unting nalinawan ako sa sinabi ni ryle
"Ilan ang gap nyo?" Tanong ko
"1 year lang ang gap namin dapat mas ahead sya satin kaso lang late sya nagaral " sabi nya sakin
Ah kaya pala kaklase namin sya
"Tungkol nga pala sa mga kaibigan nyo ng kuya mo?" Sabi ko
"Ah si Kurt at archimedes?" Tanong nya
Nag nod lang ako sa kanya
"Kababata namin sila ni kuya in short matalik na kaibigan bata palang kami lagi na kaming magkakasama hindi kami mapaghiwalay apat dahil para na kaming magkakapatid hanggang ngayon" sabi nya Sakin
"Ah kaya pala close na close kayo" sabi ko sa kanya
"Pwede ko ba malaman kung sino yung minamanmanan nyo?" Dugtong ko
"Gusto ko maging tapat Sayo siomai ko ayokong bigyan ka ng rason para hindi mo ako pagkatiwalaan" sabi nya
Nakinig naman ako sa mga paliwanag nya
"Si kurt ang mata namin mabilis sya kumilos at para syang ninja kung gumalaw si archimedes naman ay ang system hacker ng grupo sya kasi ang madaming Alam sa computer at other gadgets ako naman ang sharp shooter hindi sa pagmamayabang pero kaya kong tamaan ka kahit na malikot ka si kuya naman ang pinakamalupet sa lahat " sabi nya Sakin
"Bakit ano ba so elixir at sya ang pinakamalupet?" Sabi ko
"Pagpinagsamasama mo kaming tatlo ni Kurt at archimedes ang kalalabasan ay si kuya" sabi nya pa
So kung pagsasamasamahin mabilis gumalaw at parang ninja magaling sa computers at gadgets tapos sharp shooter pa
Si elixir ang lahat ng yun?
"Grabe ang galing naman pala ni elixir" sabi ko sa kanya
"Pero may hindi sya kayang gawin na kaya naming gawin" sabi nito sakin
"Ano yun?" Pagtatakang Tanong ko
"Yun ay ang pagiging matatag dahil madali syang sumuko " sabi nya Sakin
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
قصص عامةThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...