Chapter 35:hiling
Ito na ang pangalawang araw ng retreat namin at happy ako ngayon dahil maganda ang gising ko
"Goodmorning princess " masayang sabi ni trixie sakin
"Goodmorning din trix" sabi ko naman sa kanya
Sumandal ako sa headboard ng kama at nagkusot at naginat
Napalingon naman ako kay Trixie na ganun din ang ginagawa
Pagtapos nun sabay kaming nagpunta sa cr at sabay kaming nagtoothbrush
Para kaming kambal sa tingin ko
Ang saya pala noh kapag may kapatid ka wala kasi akong kapatid
Samantalang si trixie meron inggit nga ako sa kanya minsan eh kaso lang lagi syang inaaway nung kapatid nya
Sana nga magkapatid nalang kaming dalawa eh
Pagtapos namin magtoothbrush at maghilamos napagpasyahan naming maligo na
Lumipas ang ilang oras grabe oras talaga ang tagal namin naligo dahil naghaharutan pa kami ni trixie sa banyo
Matapos maligo ay nagbihis na din kami kaagad at parehas kami ng color ng damit
Bumaba na kami agad para makapagalmusal
Pagkababa namin nakita namin ang lahat na masayang kumakain
Pumunta kami sa may bakanteng upuan at doon kami umupo ni trixie
Habang kumakain nagulat kami ni trix ng may biglang tumabi samin
Si ryle at elixir
Bakit ba lagi silang sabay para silang magkapatid na ewan eh
Akala ko dati wala nang pagasa na magkaayos pa sila pero ngayon
Eto sila para silang mga batang naghaharutan
Naging masaya naman ang naging almusal namin
Ano kayang gagawin naming ngayong araw na to?
"Okay class bago tayo gumawa ng activity ay magkakaroon muna tayo ng isang seminar" sabi ni sir samin
"Ano ba yan katamad naman seminar?"
"Oo nga kabwisit aantukin lang ako sa seminar na yan eh"
"Ang boring naman may pagganyan ganyan pa silang nalalaman mga pangit"
Ibat ibang kumento ng mga kaklase namin
Napatingin ako kay ryle at elixir na na ngayon ay nagbubulungan
Ano naman kaya pinaguusapan ng dalawang to
Matapos naming kumain ay agad kaming pumunta sa isang room kung saan gaganapin ang seminar na sinasabi ni sir
Tabi tabi kaming umupo katabi ko si elixir sa kanan at si ryle naman sa kaliwa katabi naman ni elixir si trixie
Nang magsimula na ang seminar ay patuloy lang kaming nakinig hanggang sa dumating sa kalagitnaan
Lahat kami boring na boring na at mga inaantok ba din
Grabe walang kwenta yung seminar na ginawa
"Buhay pa ba kayo?" Tanong samin nung host
Walang nagsalita ni isa samin o sa madaling sabi walang sumagot sa kanya
dahil lahat kami kanina pa bored sa pinagsasabi nya
"halata naman na bored na kayo pero kailangan ko talagang gawin to eh sige ganito nalang para mabuhayan kayo may i call mr. kevin ryle alcantara to give us an intermission number"sabi nung host
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
General FictionThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...