CHAPTER 50

26 4 0
                                    

Napaka special ng araw bukas sapagkat bukas ang anniversary namin ni abby

Kasalukuyan mahimbing na natutulog si abby ngayon

"Abby" I whispered

Alas dose na gusto ko syang batiin ng happy anniversary

"Hmm" sabi nya sabay dilat ng mata nya

Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan sya sa forehead

Ayoko isipin na anumang oras ay pwede syang mawala sakin

Dahil hinding hindi mangyayari yun hindi ako papayag

"Happy anniversary siomai ko" matamis na sabi ko

Pero imbis na sagutin nya ako ay eto ang sinabi nya

"Ryle pwede mo ba ako dalhin sa rooftop ng school?" Sabi nya sakin

Hindi ko alam kung bakit sya nagpapadala sa rooftop ng school

Ano naman gagawin nya dun?

Sinunod ko ang sinabi nya hinanda ko ang kotse ko at dali dali syang isinakay dito

Nilagyan ko sya ng seatbelt at matapos nun ay sumakay na din ako

May napansin akong isang bagay na mahigpit na hawak hawak nya

Isang notebook hindi ko alam kung ano ang laman nun

Nagmaneho nalang ako at hindi pinansin ang hawak hawak nya

Lumipas ang ilang minuto nakarating na kami dito sa Irish university

Inalalayan kong bumaba si abby ng sasakyan

Matapos nun ay sabay kaming pumunta sa rooftop ng school

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit sya nagpadala dito sa rooftop ng school

Nang makarating na kami sa taas nakita ko Kung gaano kaganda ang liwanag ng buwan at mga bituin

"Ryle kumuha ka ng pangsapin natin sa may kwarto at dito tayo maupo sa gitna" sabi sakin ni abby

Sinunod ko sya kumuha ako ng blanket sa kwarto doon sa rooftop at inilatag sa gitna

Matapos nun ay inalalayan ko si abby na maupo doon ng makaupo na sya umupo ba din ako

Marahan kong hinawakan ang kamay nya at tinitigan sya

"Pwede mo bang sabihin sakin kung anong nakikita mo ryle?" Tanong nya sakin

Tumingin ako sa paligid at napatingin din ako sa kalangitan

May nakita akong dalawang shooting star

"Abby pumikit ka at magwish may shooting star" sabi ko

Pagkasabi ko nun ay pumikit din ako at humiling

Ang tanging hiling ko lang naman ay humaba pa ang buhay ni abby gusto ko pa sya makasama gusto ko pa sya hagkan ng matagal gusto ko pa iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya

Matapos nun ay dumilat na ako at tinanong si abby

"Anong winish mo?" Tanong ko sa kanya

"Ang winish ko sana maging masaya ka kahit wala na ako " sabi nya sakin

Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng marinig ko sa kanya yan

Marahan nyang hinawakan ang kamay ko

"Ryle ipangako mo sakin na kapag wala na ako magiging masaya ka at hindi ka malulungkot " sabi nya

"Ano bang pinasasabi mo abby hindi ka pa mawawala matagal pa yun huwag mo sabihin yan" sabi ko sa kanya

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now