CHAPTER 32

19 5 0
                                    

Chapter 32:day 1 

Kasalukuyan kaming nandito sa labas ng retreat house

Pakiramdam ko ang ganda ng retreat house na to kaso lang mukhang luma na yung bahay

Baka may moo moo dito ha

Huwag naman sana magkaroon

Pinapila kami ni sir at tsaka kami pumasok sa loob

Pagpasok namin sa loob ay itinuro samin kung saan ang magiging kwarto namin

As usual hiwalay ang kwarto ng lalaki sa babae

At dalawang tao sa isang kwarto kaya naman pinili ko na si trixie ang makasama sa kwarto

Pumayag naman agad si trixie at sabay na kami pumunta sa kwarto na naassign samin

Nagulat kaming dalawa ni trixie nang makita ang kwarto naming dalawa

Dalawang kama may aircon at kumpleto may cr may dalawang kabinet at kung ano anong palamuti pa mayroong ding terrace

Pumasok agad kami ni trixie at ako namn ay pumunta sa terrace at nagulantang nalang ako sa nakita ko isang beach ang view grabe! Ang ganda

Eto ba yung surprise ang ganda naman nito the best sila mamili ng pagreretreatan

"Ang ganda naman ng view" sabi ni trixie sa tabi ko

"Oo nga trix sana ganito nalang palagi yung tama lang yung walang kumplikadong sitwasyon" sabi ko

Hinawakan nya ang kamay ko at nanatiling nakatingin lang sya sa baba

Ang panget ng atmosphere namin ngayon. Although maganda ang view pero parang ang lungkot

Napatingin ako sa kanya ng marinig ang hikbi sa mula sa kanya

Bakit sya umiiyak??

"Sorry princess kahit anong gawin ko nasaktan pa din kita patawad " pagsusumamo nya sakin

Itinaas ko ang mukha nya gamit ang dalawa kong kamay

Nakita ko ang mukha nyang puno ng luha at patuloy na lumuluha na animoy gripo

Tinitigan ko ang mga mata nya

"Pare parehas lang tayo nabiktima ng sitwasyon walang dapat sisihin sa nangyari walang may kasalanan kaya kailangan na natin magmove on" sabi ko

Agad naman nya akong niyakap at sinuklian ko naman ang yakap nya

"Thankyou princess dahil napatawad mo ako" sabi ni trix sabay hikbi

"Psshh..... Its okay trix bestfriend kita diba" sabi ko sa kanya

Ang mag bestfriend hindi natitibag ng mga maliliit na bagay lang

Kahit gaano kalaki man ang kasalanan nya sa huli kayo pa rin ang magiging magkasangga

Everybody deserve a second chance

Alam kong mahirap magpatawad at magtiwala pero lalo lang tayo magiging miserable kung magmamatigas tayo

"Tara na magbihis na tayo tama drama baka hinahanap na nila tayo sa baba" sabi ko kay trixie

Nag nod naman sya at sabay kaming pumunta sa cr

Sabay kaming naligo at nagbihis kasaya dati

Pag doon ako natutulog sa kanila at pag natutulog sya sa bahay namin

Parang katulad lang dati pero ang dami nang nagbago

Walang permanente sabi nga nila magbabago at magbabago

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now