CHAPTER 39

15 5 0
                                    

Chapter 39:confession

Kasalukuyan nandito kami ni ryle sa isang kwarto

Yakap ko ang Unang at sya naman ay nakapamewang sa harap ko at lalakad lakad

Habang pabalik balik sya na naglalakad ay hinihimas nya ang kanyang ilong na animoy problemadong problemado

Bakit ba kasi kailangan pa ng ganito kung hindi naman pala kami maguusap diba

"Bakit mo hinalikan yun?" Tanong nya sakin

Pero hindi ako nagabalang sumagot sa kanya

Sa halip ay inirapan ko lang sya

"Sagutin mo ako!" Galit na sigaw nya

Kahit hanggang mamaya sya magsisisigaw dyan hindi ko sya sasagutin

"Princess sagutin mo ako" pagsusumamo nya

Manigas ka

"Bakit ko ba ginagawa sakin to?! Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito ?!" Sabi nya

Nagpintig ang tenga ko ng sabihin nya yun

Hindi ko na maatim ang mga sinasabi nya

"Bakit akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan dito?!akala mo ba hindi ako nahihirapan?!" Sagot ko sa kanya

"Paano ko magagawang umamin sa taong kaya ako ipagpalit ng ganun ganun lang ha ?!ryle sabihin mo !!" Sabi ko

Kasabay nito ang pagtahimik nya at pagbagsak ng nagbabadyang luha sa mga mata ko

"Anong ibig sabihin mong aamin?" Tanong nya sakin

"Aamin na dapat ako na ikaw ang nagugustuhan ko kanina kaso lang nakita kitang nakikipaghalikan dun sa babeng yun!" Galit na sabi ko sabay hikbi

Bigla naman bumagsak ang luha sa kanyang mata

"Magsosorry na sana ako sayo kanina kaso lang nakita kong may iba kang kasama ang sakit princess makita na may kasama kang iba" sabi nya

"Bakit akala mo ba hindi ako nasaktan ng makita kayo sobrang nasaktan ako pero ano hindi ko magawang magalit dahil alam ko kasalanan ko"sabi ko sabay hikbi

Nagulat ako ng mabilis syang lumapit sakin at niyakap nya akong bigla

" sorry I'm so sorry hindi ko sinasadyang saktan ka "sabi nya sakin

Gusto ko syang tiisin pero hindi ko magawa

Gusto ko magalit sa kanya pero hindi ko magawa

Bakit ryle? Bakit ganito ang epekto mo sakin

Bakit hindi ko magawang magalit sayo ryle

Fuck I hate this situation

Marahan kong sinuklian ang yakap nya

At tumulo na parang gripo ang luha ko

Ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib nya

Ramdam ko ang hikbi nya

Umiiyak din sya

" hindi na mauulit mahal ko hindi ko na uulitin siomai ko"sabi nya

Hindi ko sya sinagot at nanatiling nakabaon ang ulo ko sa dibdib nya

Ilang minuto ang nakalipas at kumalas sya sa pagkakayakap at itinaas nya ang ulo ko gamit ang dalawa nyang kamay

Nakita ko ang mapupungay nyang mata at ang magulo nyang buhok

Shit ! Hindi maganda to

Kiniss nya ako sa forehead pababa sa ilong ko hanggang sa makarating sa labi ko

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now