Chapter 15:what is love?
Matapos nung pangyayaring yun napawi agad ang lungkot ko dahil kay elixir
Alam kong nasasaktan sya kapag nakikita nya akong nasasaktan
Para syang si kuya Jameson pero may pagkakaiba lang sila ng konti
Napaka over protective at laging andyan kapag may problema ka
Pero yung mokong na manyakis na yun naku lang talaga
Huwag na huwag nya akong gagalitin kapag ginawa namin yung report
At baka kung ano ano na lang talaga mangyari
Nandito ako ngayon sa faculty office kasama ang bored kong partner
Nakita ko din si elixir na nagthumbs up kasama ang partner nyang bruha
Si roxanne.......
Yung babaeng living coloring book na yun
Akala mo kinaganda nya yung makapal nyang makeup sa mukha
Nag mukha lang syang kaladkarin sa pinaggagagawa nya
"Ms Sanchez eto ang topic nyo" sabi ni teacher sabay abot sakin ng isang papel
"Thankyou sir" sabi ko
Walang imik at hindi man lang tinignan ni ryle ang papel na hawak ko
Nagulat ako ng buksan ang papel na hawak ko
Love?
"Sir pwede po ba palitan yung topic namin?" Sabi ko kay sir
"Hindi na tsaka mas mabagay kung yan ang topic nyo dahil alam kong madaming alam si Mr.alcantara sa love" paliwanag nya
"Right Mr. Alcantara?" dugtong nya
Hindi nagabalang sagutin ni ryle si sir
Nag nod nalang sya
Matapos nun ay nagkabigayan na ng topic
At makalipas ang ilang minuto umalis na din kami
Tumabi agad si elixir sakin at pinuntahan naman ni ryle si roxanne
"Kain tayo nagugutom ako" sabi ko kay elixir
"Sige saan mo ba gusto kumain?" Tanong nya
Paglabas namin may nakita kami sa gate na nagtitinda ng streetfood hinatak ko si elixir papunta doon
Pagdating namin doon may nakita akong siomai
Favorite ko whooaaawww gusto ko yan
Dali dali akong kumuha ng siomai at nilantakan ito
At si elixir ay kumuha naman ng kikiam at fishball
Di kalayuan nakita ko sila roxanne at ryle na nasa waiting shed
Bakit ba parang ang sikip ng mundo saming apat lagi nalang kami pinagtatagpo
Matapos nun ay hinatid na ako ni elixir sa bahay
Lagi nalang ako hatid sundo nitong lalaking to eh
Hindi ko na tuloy nagagamit ang bike ko
Pagkahatid nya sakin ay nagpaalam na din sya agad
Sandaling nagpakita lang sya kay tita at kuya Jameson
At nagpaalam na sya at sumenyas na text text nalang
Nagpaalam na din ako sa kanya pagtapos nun
Nung makaalis na sya pumasok na ako sa loob para tumulong sa resto ni tita
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
General FictionThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...