CHAPTER 26

14 6 0
                                    

Chapter 26: memories

"Prinsesa ko balang araw luluhod ako sa harap mo at yayain kitang magpakasal sa madaming tao"

"Sasagutin naman kita ng oo prinsepe ko"

Unti unting bumabalik ang ala ala naming dalawa ni elixir

Matapos nung aksidente naming dalawa

Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari

Kung hindi sana nangyari ang balak ni Keith sana hindi kami nagkahiwalay ni elixir

Buti na lang makakabalik na ako sa kanya

Unti unti kong idinilat ang mata ko

Gaano na ba ako katagal dito sa hospital?

Simula ba ng aksidente nandito na ako?

Bakit parang ang daming nagbago?

Asan si elixir? Dinadalaw nya ba ako dito

Nagulat ako ng biglang may umiiyak na tao sa paligid ko

Sino sila? Sila ba yung nakatagpo sakin?

Matapos ng pagkahulog ko kasama ang kotse sila ba yung nakakita sakin?

May biglang humawak ng kamay ko isang lalaki

Sino sya? Bakit nya ako hinahawakan sa kamay?

Tumutulo ang luha nya na animoy gripo

Asan na ba kasi si elixir? Asan ka na prinsipe ko?

"Buti abby gising ka na tinakot mo kami akala namin hindi ka na magigising isang buwan kang coma" sabi nung lalaki na patuloy umiiyak

At anong sabi nya? Abby Hindi abby ang pangalan ko princess michaella ang pangalan ko

"Sino ka? Nasan si elixir? Pakitawagan naman sya kilala nyo ba si elixir yung boyfriend ko" Hirap na sabi ko sa kanya

"Ako to si ryle siomai ko ako to" buong pagsusumamo nya sakin

Wala akong natatandaan na ryle ni hindi ko sya kilala ano bang pinagsasasabi nya

"Hindi kita kilala" sabi ko sa kanya

Bigla naman syang napatayo at nasuntok ang pader na ikinagulat ko

"Kami abby kilala mo ba kami" sabi nung matandang babae

"Hindi ko po kayo kilala sino po ba kayo? Kayo po ba yung nakapulot sakin matapos nung aksidente sa may bangin ?" Tanong ko

Bakit ba nila ako tinatawag na abby eh hindi naman ako yun ako to si princess

Ano bang nangyayari sakin? Asan na ba kasi si elixir gusto ko sya makita

Nagulat ako ng may biglang nagbukas ng pinto

Yung lalaking kanina si ryle ba yun wala talaga akong natatandaan sa kanya ni hindi ko nga sya kilala eh

May kasama sya at bumungad sakin ang isang pamilyar na tao

Si trixie at si elixir

Ang bestfriend ko at ang prinsepe ko

"Abby ano kamusta na ang kalagayan mo" sabi sakin ni trixie

"Abby hindi abby ang pangalan ko ako to trixie ang bestfriend mong si princess" sabi ko sa kanya

"Abby ikaw yan hindi ikaw si princess diba ikaw ang nagsabi" sabi nya

"Elixir prinsipe ko mahal ko" Tawag ko kay elixir

"Abby ano bang pinagsasasabi mo hindi ka si princess matagal nang patay si princess" sabi nya

May kung anong tumusok sa puso ko ng sabihin nya yun

Eto ako prinsipe ko ako to si princess ako to

"Sino ba si abby ako to si princess kung ayaw nyo maniwala sakin sila mom and dad nalang ang kakausapin ko" sabi ko sa kanila

"Patay na ang parents mo " sabi nung ryle

"Hindi pa patay ang mommy at daddy ko elixir tawagan mo nga si mom and dad"sabi ko

Bakit ba ganyan sila ? Bakit abby ang Tawag nila sakin

" trixie matagal na ba ako dito sa hospital na to?"tanong ko kay trixie

"Isang  buwan palang abby" sabi nya

Isang buwan ? Bakit parang ang tagal kong natulog

"Hindi nga abby ang pangalan ko ako to ang bestfriend mong si princess" sabi ko

"Abby hindi ka si princess " sabi nya

"Gusto mo ba patunayan ko pa sayo" sabi ko sa kanya

"Sige nga patunayan mo na ikaw si princess" hamon nya

"Diba ako ang laging nagtatanggol sayo kapag inaaway ka ng kapatid mo " buong tapang kong sabi

Talaga naman eh ako nga lagi ang humaharap sa kapatid nya kapag kinagagalitan sya eh

"Hindi ko naikwento sayo yan abby bakit mo alam yan "Pagtatakang sabi nya

" kasi ng ako to si princess "sabi ko

Nangilid ang luha sa mga mata nya at niyakap nya ako

" ikaw nga yan princess ikaw ang bestfriend ko"sabi nya

"Elixir hindi ka pa din ba maniniwala na ako to ang prinsesa mo" sabi ko kay elixir

"Hindi pa din ako nanini---"

"Prinsesa ko balang araw luluhod ako sa harap mo at yayain kitang magpakasal sa harap ng madaming tao" putol ko sa sasabihin nya

"Sasagutin naman kita ng oo prinsepe ko" Dugtong ko

Bigla na lamang tumulo ang mga luha sa mga mata nya

At lumapit sakin at niyakap ako

"Ikaw nga yan prinsesa ko nagbalik ka sakin" sabi nya

"Oo ako to prinsepe ko " sabi ko sabay sinuklian ang yakap nya

Agad syang kumalas sa pagkakayakap naming dalawa

"Hindi mo ba ako na miss prinsepe ko?" Tanong ko sa kanya

"Kahit gustuhin man kitang angkinin ulit hindi na pwede pa dahil hindi na ako ang mahal mo" sabi nya

Anong pinagsasasabi nya na hindi ko na sya mahal eh sya nga lang ang minahal ko eh

"Ano bang pinagsasasabi mo ikaw ang mahal ko ikaw at ikaw lang" sabi ko sa kanya

"Madami nang nagbago ibang na ang mahal mo si ryle si ryle ang mahal mo" sabi nya sakin

Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng sabihin nya yun

Alam mo yung feeling na pinagtulakan ka sa iba ng taong mahal mo ang sakit kaya

"Sino ba si ryle hindi ko kilala si ryle wala akong kilalang ryle ano bang pinagsasabi nyo?!" Galit na sabi ko sa kanila

Nagulat ako ng may biglang nagbalibag ng pinto

"Hindi mo ba talaga Naalala si ryle ?" Tanong sakin ni elixir

"Oo nga bes hindi mo Naalala si ryle?" Tanong ni trixie

"Hindi ko talaga kilala yung ryle na sinasabi nyo " sabi ko

Wala talaga akong matandaan sa sinasabi nila

Ni hindi nga nagreregister sa utak ko ang mukha nya eh

Parang ngayon ko lang talaga sya nakita

Bakit ganun nalang sila sakin?

Isang buwan lang ba talaga ako natulog sa hospital na to?

Kailangan ko makita si mom and dad baka nagaalala na sila sa kalagayan ko

Kamusta na kaya sila mom and dad?

Alam kaya nila na gising na ako?

Alam kaya nila na nandito ako at buhay ako?

Sana naman alam nila para masundo na nila ako dito

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now