Chapter 1: Mr. Alcantara
Hanggang sa pag-uwi ko iniisip ko pa din yung pangalan nya.
Hayst...... Bakit ko ba kasi iniisip yung pangalan nya
"Kamusta naman ang first day?" Tanong sa'kin ni tita Josie
"Okay lang naman po tita" sagot ko kay tita
"Hindi ba sila malupit sayo?" Tanong ulit ni tita sakin
Gusto ko man sabihin sa kanya na binato nila ako ng itlog at pinaliguan nila ako ng harina kanina.
Mas mabuting huwag nalang baka lalo pang lumaki pagtalunan pa namin.
"Okay lang naman po tita mababait po sila" may pag-aalinlangang sabi ko sa kanya.
"Oh sya sige pagtapos mo dyan magsara na tayo maaga ka pa bukas"sabi nya
"Sige po tita" sabi ko kay tita
Hindi ko na masyado inisip yung mga nangyari kanina basta ang iniisip ko ngayon ay ang pagkakahera dito sa resto ni tita.
May biglang pumasok sa resto na isang lalaki at may kasamang babae na mukhang kaladkarin.
Lumapit sya sa'kin at umorder ng makakain nila.
Napatingin ako sa kanya parang namumukhaan ko to kaklase ko to ha!
Hindi ko lang maalala kung sino sya pero alam ko kaklase ko 'to.
Umorder sya ng frappe sa'kin pagkakataon ko na' to para malaman ang pangalan nya.
"Sir ano pong name ang ilalagay ko?" Tanong ko sa kanya
"Kevin ryle nalang ilagay mo" sabi nya
"Okay po" sabi ko
Kevin Ryle hindi ako pamilyar sa Kevin pero sa Ryle.
Napatakip ako sa bibig ng mapagtanto kong sya yung katabi ko at yung nakita ko sa rooftop na nagkukusot ng mata.
Kevin ryle pala pangalan nya.
Lumipas ang ilang minuto at sinerve ko na sa kanila kaso hindi yata nila ako napansin, busy kasi sila sa paghahalikan sa harap ko pa
"Ehem..." Napaubo nalang ako.
Bigla syang napabalikwas at umayos sa kinauupuan nya at napatingin sa'kin.
"Eto na po yung lahat ng in-order nyo sir enjoy the food eatwell" sabi ko sabay alis.
Bumalik na ako dun sa counter at tumayo doon.
Kitang-kita ko kung paano sila maglandian sa table nila.
Hindi ko na lamang pinansin yun dahil mukha naman silang ewan.
Mga ilang minuto ang lumipas at lumapit sakin yung babaeng kaladkarin este yung babae na kasama ni Ryle.
"Ahm... Ms. Saan yung comfort room nyo?" Tanong nya sa'kin.
"This way po ma'am" tinuro ko sa kanya kung saan yung comfort room.
Pumasok sya pero nakita ko na sinundan sya ni Ryle.
Hindi ko alam pero masama ang kutob ko, although magkahiwalay ang cr ng babae sa lalaki.
Kinukutuban pa din ako ng masama.
Kaya naman minabuti ko nalang na hindi pansinin.
Inasikaso ko nalang yung ibang costumer.
Mag-iisang oras na pero hindi pa din sila lumalabas doon.
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
General FictionThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...