CHAPTER 48

15 4 0
                                    

Chapter 48: argument

Grabe ang sikip naman ng kama

Bakit parang may nakadantay sakin?

Sino ba yung nakadantay sa akin?

Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na tao sakin

Dito pala sya natulog?

Hindi ko man lang naramdaman kagabi na pumasok sya

Pinagmasdan ko ang mukha nya

Tumulo ang luha Saking mga mata

Hindi ko yata kaya na iwan ang lalaking to

Pero anong magagawa ko ?

Sana naman magkaroon ng milagro at gumaling ako

Marahan Akong pumikit at kinapa ang mukha nya

Kung sakali man na mabulag ako makikilala  pa din ng mga palad ko ang mukha nya

Habang nakapikit ako ay Marahan kong hinaplos ang mukha nya

Habang ginagawa ko yun Walang tigil ang pagluha ng mata

Konting oras nalang ang nalalabi ko sa mundong to ryle gusto ko gumawa ng mga magagandang ala-ala na kasama ka

Gusto ko baunin ang mga magandang ala-alang yun sa kabilang buhay

Hihintayin kita doon ryle

Matapos ko haplusin ang mukha nya ay dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko

Nagulat ako ng makita syang nakadilat at nakakunot ang noo

Ayokong makita nya akong umiiyak ayoko ipaalam sa kanya na malala na ang kalagayan ko

Kaya naman tumalikod ako sa kanya

Hindi ko mapigilan ang umiyak ngayon pa kung kailan tapos na lahat ng problema

Bigla nalang dumulas ang kamay ni ryle sa bewang ko

Lalo akong nasasaktan lalo akong nahihirapan na iwan sya

Hindi ko kayang iwan ang taong to

Iniiwasan ko ang humikbi ayokong maramdaman nya na malungkot ako

Ayokong maramdaman nya na umiiyak ako

"Siomai ko huwag ka na magtago sakin sabay natin harapin ang problema na yan kung ano man yan" sabi nya sakin

Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng sabihin nya yun

Feeling ko ang unfair ko kasi sinasarili ko lang yung problema ko

"Ano ba yun sabihin mo na sakin?" Sabi nya sabay higpit ng yakap sakin

Gustuhin ko man sabihin sayo pero ayokong saktan ka hindi ko kayang makitang masaktan ka ryle

Marahan kong pinunasan ang luha ko

At humarap sa kanya

"Ryle ?" Sabi ko

"Bakit ano ba yun? Kinakabahan ako ano bang problema?" Tanong nya sakin

"Pwede ba akong humingi ng isang favor sayo?" Tanong ko sa kanya

"Ano yun?" Tanong nya sakin

Mas gugustuhin ko na palayain ka nalang para maging maayos na ang lahat

Mas gugustuhin kong maging masaya ka sa piling ng iba ryle kaysa sa masaktan ka

"Pwede bang iwan mo na ako? Kalimutan mo na ako umalis ka na ryle" sabi ko sa kanya sabay tayo

Perfect Time For Us (Completed)Where stories live. Discover now