Chapter 23:conflict in the past
Nandito kaming anim ngayon sa tambayan ng mga mokong na to
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pagtatanong
Nahagip ng mata ko ang mata ni trixie
Kanina pa may gusto sabihin ang babae na to Sakin
Hindi lang kami magkapagusap dahil nandito ang mga mokong
Nakita ko si ryle na seryosong seryosong nakatingin sa kawalan
Ano kayang iniisip nitong lalaking to at napakaseryoso naman masyado
"May itatanong ako"
"May sasabihin ako"Sabay naming sabi ni ryle at sabay din nagtama ang mga mata namin
"Ikaw muna anong sasabihin mo?" Tanong ni ryle
"Hindi ikaw muna anong itatanong mo?" Sabi ko
"Hindi ikaw muna" sabi nya
"Hindi mauna ka na mukhang importante yung sasabihin mo" sabi nya
"Hindi mas importante yung itatanong mo kaya mauna ka na" sabi ko
Nagulat ako ng biglang may nabasag sa bintana
Pagtingin namin basag na yung salamin
"Ano!hindi ba kayo titigil ? Walang gusto mauna ako ang magsasabi gusto nyo?!" Galit na sabi ni elixir
"Anong problema nya?" Pabulong kong sabi kay ryle
"Baka may dalaw si kuya hayaan mo sya" sabi nya
Ay gago?
May dalaw abnormal lang ano akala nya sa kuya nya may matres?
"Sige na ako na ang mauuna ako na ang magtatanong" sabi ko
Unang tanong
"Paano nyo nalaman na nandun kami?" Tanong ko kay ryle
"Simple lang dahil kay archimedes nilagyan ka kasi namin ng tracking device dahil alam namin na ikaw ang pupuntiryahin nila Keith at roxanne" sabi ni ryle sakin
Pangalawang tanong
"Paano nyo naman nagawa lahat ng nangyari kanina? Yung mga bomba at kung ano ano pa" sabi ko kay ryle
"Dahil Samin ni archimedes at yung sa mga tao kanina sa laboratory sila ang gumagawa ng bomba at baril para Samin sila din ang naggagamot at nagbibigay Lunas Samin hinire namin sila para sa mga panahong may ganitong mangyayari" paliwanag ni elixir
Wow astig naman nun
Pangatlong tanong
"Ano ba talaga kayo?" Tanong ko
"Simpleng magkakaibigan lang" sabi ni ryle
Pangapat tanong
"Eh bakit may ganito may mga baril may mga bomba at may kung ano ano pa?" Tanong ko
"Dahil yun sa nangyari 5years ago"
Naguguluhan ako so ang ibig sabihin lahat ng ito may kinalaman sa nangyari limang taon na ang nakakalipas?
"Pwede ko ba ikwento Sakin kung anong nangyari sa inyo 5years ago ? Naguguluhan na kasi talaga ako" sabi ko kay ryle
"Kahit ano mang marinig mo magtiwala ka lang sakin ha" sabi ni ryle sakin
Parang kinabahan naman ako sa sinabi ni ryle
"Mortal kong kaaway si Keith dati pa dahil gusto nya si princess at dumating ang araw na nabaliw sya kay princess at tinangka nyang ilayo si princess samin kinidnap nya si princess dahil gusto nya na mapasakanya ito Kasalukuyan na magkagalit naman kami ni princess noon kaya akala nya pagsinama nya si princess sa kanya magiging kanya na to pero Mali sya nakuha ko si princess sa kanya pero hindi pa din sya tumigil sa ginawa nya" mahabang paliwanag ni elixir
Ah ganun pala yung nangyari
"May sinabi sakin si Keith ang sabi nya ginawa lang daw syang panakip butas ni princess" sabi ko sa kanya
"Akala nya kasi ginawa lang syang panakip butas ni princess dahil nga nagaway kami nun baliw na kasi sya kay princess at lalo pang nagatungan ng kampihan sya ni ryle" sabi nya sabay tingin kay ryle ng masama
"Oo ginawa ko yun pero pinagsisisihan ko na kung anong nangyari noon" sabi naman ni ryle
Bakit ? Bakit nagawa mo to ryle?
"Mahal na mahal ko kasi si princess noon at gusto kong mawala ka sa landas namin para masolo ko si princess pero Mali pala ako dahil ang kinampihan ko noon ay isa ding may gusto kay princess" paliwanag ni ryle
So Handa talaga syang makipagpatayan para kay princess grabe ang swerte naman nung babaeng yun
Imagine kapatid nya papatayin nya para lang makuha ang taong patay na baliw na nga sya
"Tapos ayun naulit ulit yung nangyari at nailigtas ko ulit si princess kaso lang sa pagkakataong yun naaksidente kaming dalawa at dun na nawala si princess Samin" paliwanag ni elixir
"So yun pala yung pinagpuputok ng butchi ni Keith kanina sakin " sabi ko sa kanila
"Pilit na ginagantihan pa din kami ni Keith kahit na patay na si princess bumuo sya ng grupo para Samin kaya bumuo din ako para sa kanila at kaming apat yun nila ryle noong una hirap akong magtiwala ulit kay ryle dahil sa ginawa nya pero nakita oo naman na nagsisi na sya sa nangyari"sabi ni elixir
Bakit ryle? Bakit ngayon ko lang nalaman to? Akala ko ba wala Nang sikreto
Naalala ko bigla ang sinabi nya
"Kung ano man ang maririnig mo magtiwala ka sakin"
Nagtitiwala naman ako sayo ryle siguro nga may rason ka para hindi paalam sakin ang mga bagay na to
"Tara na ihahatid ko na kayo ni trixie" sabi ni ryle sakin
"Hindi na ako na ang maghahatid kay trixie" sabi ni elixir
"Hatid mo na si abby masyadong madami ang nangyari ngayon araw na to" Dugtong nya pa
Nagnod nalang kami ni ryle sa kanya
Nagpaalam na kami ni ryle Kayla archimedes at Kurt na sasakay na din sa mga kotse nila para umuwi sa bahay nila
Nang makasakay na kami ni ryle tahimik lang kami
Walang mababakas na ingay sa pagitan namin
Hindi ko alam pero gusto ko syang tanungin kung mahal nya ba talaga ako bilang si abby
Gusto ko magtiwala sa pagmamahal nya sakin pero ng malaman ko na Nabalik sya dahil kay princess parang nagdududa na ako sa kanya
"Siomai ko?" Tawag ko sa kanya
"Bakit siomai ko " sagot nya habang seryosong nakatingin sa daan
"Mahal mo ba ako?" Tanong ko sa kanya
Itinabi nya ang kotse at tsaka tinignan ako sa mata
"Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sayo abby?" Tanong nya sakin
"Hindi naman sa pinagdududahan kasi baka-----"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nyang hampasin ng malakas ang manibela ng kotse
"Damn abby kung anoman ang iniisip mo hinding hindi ko magagawa yun kung iniisp mo na minahal kita dahil kamukha mo si princess hindi minahal kita dahil si abby ka" sabi nya sakin
Nakaramdam ako ng saya ng sabihin nya yan
Napaiyak ako sa sobrang saya dahil sinabi nya yan
Dahil kung hindi yan ang sinabi nya siguradong masasaktan ako
"Sorry kasi pinagdudahan ko ang pagmamahal mo sakin" sabi ko sa kanya
"Huwag mo na ulit gagawin yun mahal kita minahal kita hindi dahil nakikita ko si princess sayo minahal kita dahil ikaw si aubrey ang siomai ko" sabi nya Sabay gulo ng luha
"Mahal din kita siomai ko" sabi ko Sabay tulo ng nagbabadyang luha sa mata ko
Marahan nyang pinunasan ang luha sa aking mga mata
"Hinding hindi ko na pagdududahan ang pagmamahal mo para sakin" sabi ko sa kanya
Marahan nya akong hinalikan at sinuklian ko ang mga halik nya
Pangako siomai ko hinding hindi ko na pagdududahan ang pagmamahal mo para sakin
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
Aktuelle LiteraturThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...