Chapter 13:why ?
Unti unti kong dinilat ang mga mata ko
At iginala sa paligid
Gumalaw ako at sumandal sa headboard ng kama
May natabig akong ulo sa kaliwang kamay ko
Kaya naman tinignan ko kung kaninong ulo yun
Nakita ko na isang pamilyar na mukha sakin
Mahimbing ang pagkakatulog
At bakas pa din ang mga pasa sa kanyang mukha
Ilang minuto ko syang tinitigan gusto ko magalit sa kanya
Pero hindi ko magawa gusto ko sya sisihin sa mga nangyari
Pero may nagsasabi na hindi nya kasalanan
Wala syang kasalanan dahil nag mahal lang din naman sya
Alam kong kaya nya yun nagawa dahil inaakala nya na ako si princess
Pero hindi naman talaga ako yun
At hinding hindi ako magiging sya
Sana naman kalimutan na nya si princess at I let go nya na to
Naiintindihan ko yung sitwasyon ni elixir
Pero ang sakit kasi nasasaktan ko sya
Kahit hindi ko gustuhin yung mga nangyayari samin
Sana sa kanya nalang nahulog ang puso ko para hindi sya nasasaktan ng ganito
Pero hindi sa kanya nahulog ang puso ko
Kay ryle si ryle ang mahal ko at sana maintindihan nya yun
Naramdaman ko ang hapdi at kirot sa ulo ko
Medyo sumakit ito ng konti
Pag hawak ko dito ay narinig ko ang pagungol ni elixir
"Princesa ko" sabi nito
Bigla nalang tumulo ang nagbabadyang luha sa mata ko
Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang epekto ng endearment na yun sakin
Parang pamilyar yang endearment na yan
Pinunasan ko ang luha ko at ginising na sya
Napabalikwas sya at hinahabol ang hininga na para bang nanaginip sya ng masama
Bigla na lamang tumulo ang luha sa kanyang mata
At napatingin sya sakin
Mapait na ngumiti sya na para bang ang bigat ng problema nya
Ramdam ko ang pighati at lungkot sa kanya
Kaya iniwas ko ang mata ko sa kanya
"Okay ka na ba?" Tanong nya
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko sa kanya
Hindi nya ako sinagot at tumayo para lumabas
Bakit? Bakit mo ginawa yun ?
Lalo ka lang nasasaktan kapag patuloy mong iisiping ako si princess
Ayokong makita kang nasasaktan masakit din para sakin yun
Pero bakit eto ka patuloy kang sumusugal na ako si princess
Bigla kong naalala kung paano ako magpapaliwanag kay ryle ngayon
Bakit ba kasi ganito?bakit ba kasi nangyari to?
Bakit ba ?
Lumipas ang ilang minuto at napagpasyahan ko nang lumabas ng clinic
YOU ARE READING
Perfect Time For Us (Completed)
Ficción GeneralThis is a case of wrong timing. Revenge may lead us to the one we love, forgetting is the best cure but remember the heart can't forget. Brain will function but our heart will give us strength to know the right one. Time necklace will be the resembl...